^

PSN Showbiz

Vic wala pa ring maitawag sa tatay ni Pauleen!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kahapon nagsimula ang Dear Uge ni Eugene Domingo at nakikita naming malaki ang expectations ni Uge sa bago niyang programa.

Bago raw kasi ang concept, kaya talagang pinagbubuhusan niya ng lahat ng powers niya.

Tuwing taping ay nag-iisip si Uge ng magandang gimmick niya sa partisipasyon niya sa bawat episode.

Happy din siya para kay Divine Grace Aucina na kasama niya dahil ma­ga­ling raw talaga ito sa stage, kaya gusto niyang mabigyan ng break ang mga magagaling na stage actors na pinanggalingan din niya.

PAK: Ang sweet ng mensahe ng mga showbiz couples na open sa kanilang relasyon.

Isa sa nabasa naming may na­pa­ka-sweet ang mensahe ay ang post ni AiAi delas Alas sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Nabasa din namin ang message ni kilalang aktor sa girlfriend niyang isa ring kilalang aktres. Ang sweet ng message nito na ipinost sa kanyang Instagram account at nakikita mong sobrang in love sila sa isa’t isa.

Sinagot siya ni aktres na muk­hang masaya rin sa kanilang relasyon. Pero iilan lang ang nakabasa nito dahil mga close friends lang ni aktor ang in-allow niyang mag-follow sa kanyang IG account.

Ang latest na nabalitaan namin, isa sa mga araw na ito ay magiging open na sila sa kanilang relasyon at hindi na nila ito itatago.

Mukhang unti-unti na nga silang mag-open dahil ipinu-post na rin ni aktres ang Valentine’s gift sa kanya ng boyfriend.

BOOM: “Ewan” ang sagot ni Pauleen Luna nang tinanong kung “Fatherlu” nga ba ang tawag ni Vic Sotto sa kanyang ama.

Nag-post ang avid fans nilang Boslengsotto nung kaarawan ng Daddy ni Pauleen at “Fatherlu” ang tawag nila.

Akala namin iyun na nga ang tawag ni Bossing sa kanyang father-in-law, hindi naman pala.

Hindi pa raw naririnig ni Pauleen kung ano ang tawag ni Bossing sa kanyang Daddy.

Ang narinig lang daw niya ay “Motherlu” sa kanyang Mommy.

Samantala, maaring sa Marso na raw lilipat sina Bossing at Poleng sa kanilang bagong bahay sa Laguna.

Hindi pa raw kasi natatapos ang ilang aayusin sa loob ng bahay kaya hindi pa sila lumipat. Baka next month na raw talaga, gusto ni Pauleen ayos na ayos na ito bago nila lipatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with