^

PSN Showbiz

Luis tinapos na rin ang koneksiyon sa mga kamag-anak ni Angel

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama ba ang nasagap namin na in-unfollow na ni Luis Manzano si Angel Locsin sa IG pati ang ilang relatives ni Angel na naging close rito? Before o after kaya i-post ni Angel ang video ni Luis sa IG siya in-unfollow ni Luis?

Lalo tuloy gustong malaman kung bakit nag-break ang da­lawa. Ang daming haka-haka ang naglabasan at kanya-kanya sila ng version, pero walang maka-confirm dahil ayaw magsalita ng ex-couple.

Arci hyper na hyper ‘pag kasama na si Gerald

Suportado ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang showing ng Always Be My Baby, ang movie nina Gerald at Arci Muñoz dahil present ang ilan nilang fans sa prescon ng movie na showing sa February 24. Katabi nila ang fans ni Gerald at sabay-sabay silang sumisigaw sa mga eksena ng aktor.

Kaya lang, may ilang fans pa rin sina Gerald at Kim na hindi magkasundo, nag-aaway sila sa social media at ang projects ng dalawa ang pinag-aawayan. Para bang may share sila sa talent fee ng dalawa.

Masaya sa presscon ng movie, kaya lang, nakailang hampas sa balikat ni Gerald si Arci na parang may sugar overload sa presscon sa sobrang pagka-hyper. Pero may chemistry ang dalawa at sabi nga ni direk Dan Villages, first shooting day pa lang, nakita na niya agad ito.

‘Kaaliw pala si Gerald sa inaming kasalanan niya lahat ang break-up with his exes. Also, may part ang movie na siya ang nagsulat, hindi lang sinabi kung aling eksena pero malalaman daw ‘pag pinanood ang movie.

Mahina ang resistensya, Claudine naospital na naman

Nagtatanong ang fans ni Claudine Barretto kung bakit every month ay may sakit siya at naoospital. Sa pictures sa Instagram (IG) na pinost ni Claudine, nasa St. Luke’s Medical Center Global City siya dahil sa high fever. Humingi ito ng prayers na sana hindi dengue ang tumama sa kanya.

Wala pa uling update si Claudie sa medical condition niya, pero sana nga ay hindi dengue ito. Maaapektuhan ang taping niya ng Bakit Manipis ang Ulap? na pilot mamayang gabi, 9 p.m., sa TV5. Isang oras ito mapapanood.

Impressive pala ang pilot week nito na parang Viva Films movie ang treatment ni direk Joel Lamangan, kaya nagustuhan ni Mr. Manny V. Pangilinan. “Good story, great cast at complicated story” ang reaction nito.

Carla na-insomnia sa haba ng trabaho

Grabe ang ilang netizens na binash si Carla Abellana dahil sa post IG last Friday na wala pa siyang tulog at more than 40 sequen­ces ang kukunan sa kanya sa taping ng Because Of You. Idagdag pa ang “long script lines and plenty of crying scenes,” kaya nagka-insomnia siya.

Hindi naman nagreklamo si Carla gaya nang pinalalabas ng nam-bash sa kanya. Nakuwento lang nito sa kanyang followers na long day ang Friday niya last week sa rami ng mga eksena sa light drama series nila nina Gabby Concepcion, Rafael Rosell at iba pang cast.

Nang makausap namin siya sa isang set visit, nabanggit nitong masaya siyang mapasama sa cast ng Because Of You. Magaan katrabaho ang lahat pati ang staff at crew at kahit mahaba ang oras ng trabaho, walang nagrereklamo lalo’t nagugustuhan ng viewers ang show.

Hopefully, nagka-time pa rin sina Carla at Tom Rodriguez na mag-celebrate ng Valentine’s Day kahapon. First V-Day nila ‘yun as a couple kaya special sa kanilang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with