^

PSN Showbiz

Regine hiwalay na naman sa mister?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang hiwalay na naman ang mag-asa­wang Regine Tolentino at Lander Vera Perez.

Sa grand presscon ng TV adaptation ng Ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, ayaw nang mag-elaborate pa ni Regine na may kinalaman sa bagong hiwalayan nila ng kanyang mister. Mas gusto pa ni Regine na pag-usapan ang maganda niyang role sa serye at ang kanyang mga negosyo.

When not busy sa kanyang ac­ting career, naka-focus ang attention ni Regine sa kanyang dance studio at boutique kung saan siya dance instructress at fashion designer. Siyempre pa, isa ring hands-on mom si Regine sa kanyang dalawang anak na babae.

Ynna ga-graduate na

Imbitado kami sa pagbubukas ng ika-apat na branch ng Aura Ruz Aesthetics and Medical Group Clinic na matatagpuan sa SM Center sa Las Pinas City last Saturday. Sina Ynna Asistio at Dominic Roque ang mga celebrity endorsers ng nasa­bing clinic.  Sa sobrang layo ng lugar, gusto na naming umayaw pero dahil “anak-anakan” ko ang ina ni Ynna na si Nadia Montenegro, tiniis namin ang na­pa­kagrabeng traffic papunta sa lugar kung saan kami inabot ng halos apat na oras (lang naman!) na kung nakasakay kami ng eroplano ay nakarating na kami ng Japan.

Terrible at nakaka-stress na talaga ang traffic ng buong Metro Manila pero hindi namin inaasahan na mas matindi pa pala ang traffic sa Alabang-Zapote Road na usad pagong ang takbo.

Samantala, masayang-masaya ang ex-GF ni Mark Herras na napisil siya ng Aura Ruz na ma­ging cele­brity endorser. Magmula nang maging ka­pa­­milya siya ng clinic ay malaki na ang nabawas at iginanda ng kanyang katawan.

Si Ynna ay graduating this March ng Broadcast communication ng Centro Escolar University. Since magtatapos na siya ng kanyang pag-aaral, puwede na umano siyang mag-focus nang husto sa kanyang showbiz career.

Natutuwa rin si Ynna kay Aura Ruz dahil napaka-inspiring ang kuwento ng buhay nito. Si Aura ang may-ari ng apat na branches ng The Aura Ruz Aesthetics and Medical Goup with branches in Manila, Ortigas, Timog and now in SM Center, Las Pinas and next in Davao City and Bonifacio Global City.

Dating nabu-bully si Aura ng ibang tao dahil mataba at maitim siya. Sa halip na ma-discourage sa pambu-bully sa kanya, ginawa niya itong inspirasyon na magpapayat at magpaganda na sinuportahan naman ng kanyang young lawyer-husband of five years na si Atty. Cernick Abad.

Hindi lamang pumayat, sumeksi at gumanda si Aura kundi nabuo niya in less than two years ang business. Isang licensed aesthetician si Aura na nag-aral pa sa New York, USA sa loob ng anim na buwan.

Alonzo regular na rin sa noontime show

Proud ang mag-asawang Niño Muhlach at Abby Tupaz sa kanilang anak na si Alonzo Muhlach dahil kahit busy ito sa kanyang showbiz activities ay hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral sa La Salle – Greenhills kung saan nasa kinder na siya at consis­tent class first honor.

Si Alonzo ay regular nang napapanood sa Happy Trip, ang noontime Sunday show ng TV5 at malapit na rin siyang mapanood sa pinakamalaking fantaseryeng Ang Panday mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

Kasama rin si Alonzo sa pelikulang Miracles are Forever, na pinamamahalaan ni Carlo J. Caparas at co-produced nila ng asawang si Donna Villa in coo­peration with Viva Films.

I Love OPM aliw panoorin

Nakaka-amuse ang bagong late night show ng ABS-CBN tuwing Sabado at Linggo, ang I Love OPM na nagsimula last Satur­day evening kung saan si Anne Curtis at mga hurado naman sina Lani Misalucha, Martin Nievera, at Toni Gonzaga.

Ang nasabing patimpalak ay tinatampukan ng mga fo­reigners na umaawit ng mga kantang Pinoy o OPM (Original Pilipino Music).

Nakakatuwang panoorin ang mga foreigners na bumabanat ng mga Original Pilipino Music.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with