^

PSN Showbiz

Singer na produkto ng talent search nag-uumapaw ang kayabangan, pumipiyok-piyok naman ‘pag kumakanta!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking show sa probinsiya ay nagpalutang na naman ng kaangasan ang isang male singer na produkto ng isang talent search. Kung tutuusin ay puro poste na ng mundo ng musika ang kanyang mga kasama sa show, siya ang pinakabago, pero ang asta ng male singer ay parang siya pa ang kailangang lapitan ng mga performers na may napatunayan na.

Nawindang ang show promoter nang sabihan siya na makigrupo sa mga kasamahan niya, simpleng pagsasabi ‘yun na rumespeto naman sana siya sa mga mas nauna sa kanya, pero walang pakialam ang bansuting male singer.

May sarili siyang mundo, ayaw niyang makisalamuha sa mga kasamahan niya, sobrang feelinggera at asyumero ang singer. Alangan namang siya pa ang lapitan ng mga sikat at magagaling na singers, ano siya, sinusuwerte?

Kuwento ng show promoter, “Nakakaloka ‘yang si ____(pangalan ng mayabang na male singer), hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kaangasan. Puro sikat na recording artists ang kasabay niya sa show, may maipagmamayabang na, pero ang feeling niya, e, siya ang pinakasikat nu’ng gabing ‘yun!

“Sa inis nga ng isang male singer na member ng isang successful group, e, magising daw kaya sa katotohanan ang singer na ‘yun kung kukutusan niya? Naghahagalpakan ang tropa, siya ang pinag-uusapan, dahil napakayabang nga niya!” tawa nang tawang kuwento ng show promoter.

Nagpaalam siya sa promoter, sa van lang daw muna siya, nag-demand pa ang hunghang na siya raw dapat ang finale. Mas naloka sa kanya ang promoter. Kayabangan nga naman ‘yun to the highest level.

“’Yun pala, e, magpipista lang siya sa pagyoyosi! Hindi kasi siya makapagpausok sa backstage dahil siguradong magrereklamo ang mga kapwa niya singers. Nakatulog siya sa paghihintay, kaya ang ending, piyok kung piyok siya sa matataas na tono ng kanta niya!” napapailing pang istorya ng show promoter.

Ubos!

Wala na raw pag-asa Kris mas inconsistent pa sa bagyo, in love na naman sa may sabit?!

Mas maraming kababayan natin ang hindi naniniwala sa forever. Meron namang naninindigan na sa tamang panahon at tamang tao ay merong forever.

Pero natawa kami sa kaibigan naming propesor sa kanyang posisyon na merong forever. Makatotohanan palagi ang aming kaibigan, sinasabi nito ang kanyang gusto, kesehodang pagbabatuhin man ito at pakainin ng apdo ng mga bashers.

May forever, sabi ng aming kaibigan, kapag si Kris Aquino ang pinag-usapan. Ang eksakto nitong komento, “Si Kris lang ang puwedeng maging barometer ng forever. Siya lang, wala nang iba.

“Kris Aquino is forever inconsistent. Hindi ‘yun nagbabago, walang pagbabago at talagang hindi magbabago,” sabi ni propesor.

Natawa kami, pero kasabay ng pagtawa ang isang malalim na pag-iisip, oo nga naman. Palaging inconsistent si Kris. Hindi niya napaninindigan ang kanyang sinasabi.

Ilang ulit na ba niyang sinabi na tatalikuran na niya ang showbiz pero hanggang ngayon naman ay nandito pa rin siya? Ilang ulit na rin ba niyang sinabi na titigilan na niya ang pakikipagrelasyon sa mga lalaking pamilyado na, pero sa malas, puro may sabit na lalaki pa rin ang napupusuan niyang mahalin.

Ilang ulit na rin niyang ipinangako na mananahimik na siya, pero ilang ulit din niyang hindi pinaninindigan ang kanyang mga sinabi, paulit-ulit pa rin niyang ginagawa.

Oo nga naman. May forever sa pagiging inconsistent si Kris Aquino. Mabuti pa raw ang bagyo at may direksyon kung saan at kailan aatake. Mabuti pa ang bagyo at may PAG-ASA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with