^

PSN Showbiz

Rachelle Ann tuloy ang pagbo-voice lesson sa London!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Never stop learning. I still attend voice classes in London even if I’m doing eight shows a week. I feel like I have to evolve also as a singer and as an actress, so it’s important to always keep on learning,” pahayag ng stage actress na si Rachalle Ann Go nang duma­ting ng bansa para sa launching bilang isa sa latest endorser ng Cream Silk’s Mo­dern Women with Nadine Lustre, Coleen Garcia, Julie Anne San Jose, and Yassi Pressman.

‘Yan ay kahit pinu­puri siya sa Les Misé­rables. Gina­gampanan ni Rachelle ang Fantine character sa nasabing stage play. Kasama nga pala si Rachelle sa grupo ng Les Misérables na magtatanghal sa bansa sa March. Ayon sa website ng Les Misérables, almost 70 million na ang nakapanood nito sa 44 countries na pinagtanghalan nito in 22 languages.

Bukod sa voice lesson, plano na ring mag-gym ni Rachelle. “I’m going to start going to the gym. I need to take care of myself more because I’ve been living alone for two years (in London). So I don’t really give time to myself and to my body, and I think I need to focus on that more. It’s going to be a tough season for me this year, so I need to take care of myself physically,” dagdag ng stage actress nang sandali siyang mamalagi sa bansa.

Isa pa sa gusto niyang gawin ay magsulat uli ng kanta. “I’m going to start writing music again. I want to do original songs, an original album. Hopefully this year I’ll finish that!,” sabi ni Rachelle na nagsimulang umariba ang theater career sa London nang mapansin ang acting at manalo ng mga award nang gampanan niyang role ni Gigi sa Miss Saigon.

Kasama ng mga bagong endorser ng Creamsilk na sina Rachelle Ann, Nadine, Coleen, Julie Anne and Yassi ang longtime endorser nito na si Heart Evangelista.

Manipis eereng walang commercial break!

Mapapanood ng walang commercial break ngayong gabi na ang pinakaaba­ngang biggest teledrama ng TV5 na pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Meg Imperial, at Cesar Montano, ang Bakit Manipis ang Ulap? Yup, you read it right, no commercial break, ganap na 9:00 to 10:00. 

Maganda  ang feedback ng mga nakapanood sa ginanap na advance screening nito noong nakaraang Miyerkules kaya marami na ang gusto ring mapanood ito.

Pinuri at pinalakpakan ang acting ng mga bida particular na si Claudine sa relaunching sa primetime series ng pelikula na isinulat at idinirek ni Danny Zialcita.

Ang kuwento ay iikot sa pag-ibig, pamilya, panlilinlang, at panloloko. Taong 1985 nang ipalabas ang Bakit Manipis ang Ulap? sa mga sinehan.

Ngayong 2016 ay binuhay ang kuwento. Pero mas pinainit at mas intense ang drama base sa napanood sa advance preview na dinaluhan ng mga bossing ng TV5 sa pangunguna ng may-ari na si Mr. Manny Pangilinan, ang president and CEO of TV5 na si Mr. Noel Lorenzana, ang TV5 Chief Strategist Mr. Vic del Rosario, head ng Viva Artists Agency, Ms. Veronique del Rosario Corpus at President and CEO ng PhilStar na si Mr. Miguel Belmonte at marami pang iba.

In all fairness, bagama’t medyo malusog pa si Claudine, wala naman talagang kupas ang kanyang acting.

Ipinakita niya talaga na siya pa rin ang dating aktres na nagrereyna sa mga teleserye.

Maraming beses na silang nagkasama sa teleserye at pelikula ni Diether kaya naging kumportable sila sa mga mabibigat na eksena lalo na doon sa naglalabas si Claudine ng sakit nang hindi siya ang piliin ni Bernard Palanca na pakasalan.

Parang pelikula ang produksiyon at talagang hindi tinipid ng Viva at TV5 ang mga unang eksena at napanood na rin doon ang helicopter scene.

Iba rin talaga ang atake ni Direk Joel Lamangan sa drama. Kitang-kita ang galing nila at glossy ang dating.

Inaasahang makikipagbakbakan ang Bakit Manipis ang Ulap? sa mga napapanood na ngayong serye sa mga kalabang network.

Baby Letizia nina Marian at Dingdong, binyag na

Bininyaan na kahapon, Valentine’s Day, ang panganay ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Naging tahimik at hindi ipinaalam ng mag-asawa ang naganap na binyagan kaya nalaman lang ng lahat sa mga social media accounts ng ilan sa mga ninang.

Kasama sa nakita ko na naging ninang ang favorite make up artist ni Marian na si Bambbi Fuentes.

Ang behave ni Baby Letizia sa mga picture na nakita ko, as in hindi siya katulad ng ibang bata ‘pag binibinyagan ay umiiyak.

Bukod kay Bambbi, naging kabilang din sa mga naging ninang si AiAi delas Alas.                                       

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with