^

PSN Showbiz

Angel aminadong tanga sa pag-ibig, Luis pumiyok na single na uli!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi na kailangang tanungin pa sina Luis Manzano at Angel Locsin kung totoong break na sila dahil sila na mismo ang nag-confirm sa social media.

Ang aalamin na lang ay ang rason ng break-up ng dalawa na akala nating lahat, road to forever na ang relasyon lalo’t kagagaling lang nila sa bakasyon sa Las Vegas. Idagdag pang nakasama ni Angel sa bakasyon nila ni Luis si Edu Manzano at nakasama rin niya sina Senator Ralph Recto, Batangas Gov. Vilma Santos at brother ni Luis na si Ryan.

Ni repost ni Angel sa Instagram (IG) ang video ni Luis habang kinakanta ang Love Yourself ni Justin Bieber. Ang caption at hashtag ni Angel ay, “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing love yourself sa myx ig. Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls. like this #mabuhayangtangasapagibig.”

Si Luis naman, sa Twitter kinumpirma na break na sila ni Angel sa sagot na “single” nang tanungin ng isa niyang follower kung single na ba siya. Hindi pa deleted ang sagot na ito ni Luis, unlike kay Angel na the last time we checked, deleted na ang video post ni Luis, pero marami na ang nakabasa at nag-comment.

Album ni Alden ‘di pa maisingit

Mukhang matagal pa ang ipaghihintay ng fans ni Alden Richards at ng AlDub Nation sa second album niya sa GMA Records dahil hindi pa nagsisimulang mag-recording si Alden. Nag-meeting pa lang at nagkaroon ng listening session si Alden at mga taga-GMA Records, inaayos pa ang schedule ng aktor na hectic pa rin.

Wala pang napipiling materials na kakantahin si Alden at sana makarating sa GMA Records ang request ng fans na dagdagan ang tracks. Kung puwede rin daw mag-guest si Maine Mendoza kahit sa isang song lang.

Samantala, post Valentine’s Day treat nina Alden at Maine sa kanilang fans ang February 17 guesting nila sa Tonight with Arnold Clavio, 10:15p.m., sa GMA News TV.

Mamaya naman ang second night ng screening ng Director’s Cut ng Wagas episode na guest si Alden. Gagawin sa Eton Centris ang free screening ng mga ginawang episodes ng aktor sa GMA News TV.

Bret Jackson bisi-bisihan ang drama

Consistent si Bret Jackson sa pagiging accommoda­ting sa press people. Sa advance screening ng pilot episode ng Bakit Manipis ang Ulap, lumapit ito sa grupo namin para bumati at makipagtsikahan sandali.

Kasama siya sa cast ng biggest teledrama ng 2016 na mapapanood sa TV5 simula bukas at dahil pilot episode, isang oras ang airing nito. Tiyak na strategy ito ni Mr. Vic del Rosario para mas ma-hook ang viewers.

Sabi ni Bret, sa third week pa ng teledrama lalabas ang karakter niya bilang anak ni Dindi Gallardo, pero tuluy-tuloy ang taping niya. Nagsu-shooting din siya ng movie na pagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Busy si Bret dahil may Cinemalaya movie pa siya, ang Mercury is Mine with Pokwang at marami pang projects na darating sa natitira niyang three-year contract sa Viva Artist Agency.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with