^

PSN Showbiz

Hindi binagayan ng pangalan kakaibang ugali ng aktres hindi na ma-take ng mga kadugo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang pagkakaroon ng sa­riling mundo ng isang po­pular na female personality ang palaging itinutu­rong dahilan kung bakit hindi sila nagkakatagalan ng kanyang karelasyon.

Ibang klase kuno ang ugali ng babaeng ito. Palagi siyang kontra-pelo, kung A ang karelasyon niya ay mas gusto niya naman sa B, kaya palagi silang may argumento.

Mahirap daw ispilengin ang kanyang ugali, mabuti pa nga raw ang bagyo at nalalaman ng mga taga-PAG-ASA kung saan ang direksiyon, pero ang ugali ng female personality ay mahirap makapa.

Komento ng isang dating kasama-sama ng aktres, “Maloloka ka sa attitude niya. Depende ‘yun sa mood niya. Mahirap siyang sakyan at sabayan dahil wala siyang ibang sinusunod, sarili lang niya ang amo niya.

“Maraming kaibigan na niya ang hindi nakatiis sa ugali niya. Pansinin n’yo lang, may mga friends ba siyang maituturing? Di ba, nag­sosolo lang ang babaeng ‘yun?

“May sarili kasi siyang mundo. Kung ano ang maisipan niya, e, ginagawa niya nang walang second thoughts. Kung saan niya gustong magpunta, gora lang siya nang gora!

“Matigas ang ulo niya, saka masyado siyang believe sa sarili niya! Walang pinakamagaling sa buong mundo kundi siya lang!” kuwento ng aming source.

Wala raw talagang tatagal sa ugali ng female personality, kahit pala ang kanyang mga kapatid ay ilag na ilag sa kanyang ugali, hindi rin niya kasundo ang mga kadugo niya mismo.

“Sumpungin si ____(pangalan ng babaeng personalidad), pabagu-bago ang timpla ng attitude niya, walang nakakaalam kung kailan siya magiging nice at kung kailan siya magiging nega.

“Isa lang ang consistent sa babaeng ‘yun. Ang hindi niya pagbibigay ng justice sa name niya. Hindi bagay sa ugali niya ang pangal­an niya!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Hindi katulad ng isang kakandidato sa mas mataas na posisyon Manny hindi nilalayasan ng tao sa kampanya!

Nakakaloka ang mga kuwentong nakararating sa amin tungkol sa pulitikong umaasinta sa isang mataas na upuan sa ating pamahalaan. Kapag siya na pala ang nagtatalumpati ay sinasamantala naman ng audience ang pagdyinggel, pakikipagkuwentuhan at pakikipag-text.

Eksaktong paglalarawan ng isang source, “He’s only good for five minutes. Pakikinggan mo ang speech niya sa unang limang minuto, pero lampas pa du’n, mauumay ka na sa kanya.

“Tatayo ka na para magpunta sa CR, makikipag-text ka na, magkukuwentuhan na kayo ng mga katabi mo. Wala siyang charisma! Mabuti pa nga ‘yung bruskong pulitiko na parang wala namang kawawaan ang mga pinagsasasabi at bibigyan mo ng panahon!” pagpuna ng source.

Iba pa rin ang sikat na personalidad, kuwento ng aming mga kaibigan, tulad ni Congressman Manny Pacquiao na kahit pilipit ang dila sa pagsasalita at sumasalto ang pag-Iingles ay kinaaaliwan ng audience.

Hawak ng Pambansang Kamao ang publiko, may mga ser­yosong nakikinig sa kanya, pinapalakpakan ng audience ang kanyang pagkokomedya. Hindi siya nakakapagod pakinggan.

Pero sana nga, ang pagkagusto sa kanya ng mga kababa­yan natin sa larangan ng boksing ay ma-translate sa boto, sana nga ay boboto sa kanya ang mga Pinoy na naaaliw sa kanyang presensiya.

Sa mga campaign sorties ng kanyang partido ay si Pacman ang hinihintay ng ating mga kababayan, kapag siya na ang nasa entablado de kampanya ay maraming nakikinig sa kanya, malayung-malayo sa pulitikong nangangarap maupo sa Palasyo na kapag naglilitanya na sa stage ay iniiwan ng mga nasa miting de avance ng kanilang partido.

“Nag-aalisan talaga ang mga tao kapag siya na ang nagsasa­lita. Bumabalik na lang uli ang mga miron kapag naghahagis na sila ng giveaways ng partido nila,” kuwento pa ng aming source.

Ubos na ubos!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with