^

PSN Showbiz

Dear Uge magsisimula na ngayong Valentine’s Day

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapupuno ng kilig at katatawanan ang Valentine’s Day ng bawat Kapuso dahil magsisimula na ang first comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge.

Ang Dear Uge ay pangungunahan ng award-winning comedienne/actress at TV host na si Eugene Domingo. Makakasama niya sa programa bilang kanyang sidekick si Divine Grace Aucina.

At ngayong Linggo, tampok ang Kapuso versatile leading man na si Tom Rodriguez at comedienne Kakai Bautista sa pilot episode na pinamagatang Love at First Sight. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata.

Ito ay kwento ni Lolita (Kakai), isang babaeng nagtatrabaho sa isang massage clinic kasama si Mark (Tom), isang bulag na masahista. May lihim na pagtingin si Lolita kay Mark pero pipilitin na lang niya itong huwag ipakita dahil natatakot sya na hindi sya magustuhan ni Mark. Lalong nadagdagan ang pag-aalinlangan niya nang malaman na gustong makakitang muli ng binata.

Abangan kung magkakaroon ng happy ending ang masaya at nakakakilig na istorya nina Mark at Lolita na magtuturo sa atin na hindi lamang pisikal na anyo ang basehan sa pag-ibig.

Tumawa, at ma-in love sa  mga nakakatawang storya sa Dear Uge simula ika-14 ng Pebrero (Linggo), 2p.m. pagkatapos ng Sunday Pinasaya sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with