^

PSN Showbiz

Samantha Lopez 11 years din ang itinagal sa mayamang Amerikanong asawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hiwalay na sa kanyang mayamang American businessman-husband of e­le­­­­­­ven years ang come backing actress na si Samantha Lopez (dating Gracia ng Eat Bulaga) na naka-base sa New York City, USA.

Si Samantha ay isang licensed real estate broker sa New York at maganda ang kanyang buhay doon.  Pero nang magkaroon ng pagkakataon na muling siyang magbalik-showbiz ay tinanggap niya dahil nami-miss niya ang mundong kanyang pinagmulan.

Si Samantha ay isa sa cast ng pinakabagong teleserye ng TV5 in cooperation with Viva TV, ang Bakit Manipis ang Ulap? na pinangungunahan nina Claudine Barretto, Cesar Montano, Diether Ocampo, at Meg Imperial mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Habang nasa New York ay very close siya kina Beth Tamayo (na sa New York na rin naka-base) at isa pang nagbabalik-showbiz na si Dindi Gallardo. Ang iba pang mga naka-base na sa Amerika ay sina Roger Calvin, Edna Diaz, at Marian dela Riva.

Stylist parang walang silbi Maine sangkot na naman sa ‘hiraman’ ng gown

Ang hand-painted gown ni Heart Evangelista at gawa ng fashion designer na si Mark Bumgarner ay magkahiwalay na isinuot nina Maine Mendoza at Carla Abellana. Ang nasabing gown ay unang isinuot ni Maine para sa isang glossy magazine pictorial na sinuot naman ng Kapuso star na si Carla Abellana sa thanksgiving party ng GMA para sa kanilang mga advertisers last Wednesday evening.

Kung maaalala pa, naging controversial ang isang gown at ilang damit na ginamit ni Maine for another magazine pictorial kung saan ang gown na kanyang isinuot sa Tamang Panahon grand show sa Philippine Arena last October 24, 2015 ay naisuot na pala ng Kapamilya star na si Kim Chiu at ang ibang damit ay naisuot din ng controversial stylist ni Maine na si Liz Uy.

Ngayon ay muli itong naulit kina Carla Abellana at Maine.

Kalakaran na sa mga pictorial ang panghihiram ng mga fashion stylist sa mga fashion designer o sa mga kilalang boutique owners ng mga branded clothing and accessories para gamitin ng iba’t ibang celebrities for pictorial purposes pero isinasauli rin ito pagkatapos ng pictorial and the providers are given due credits.

Kung sinuman sa dalawa ang nakauna sa gown, tiyak natutuwa ang fashion designer na si Mark Bumgarner at si Heart dahil na-promote nang husto ang gown nina Maine at Carla.

Jinkee at mga anak damay sa kasal ng kakambal

Ikinasal na ang twin sister ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora sa dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Steve “Tibo” Jumalon last February 10 na ginanap sa Isla Jardin ng Gian, Sarangani kung saan tumatayong Vice Governor si Jinkee habang kongresista naman ang kanyang boxing-hero husband na si Manny Pacquiao.

Si Jinkee ang tumayong Matron of Honor ha­bang ang apat sa limang anak ng mag-asawang Manny at Jinkee na sina Jimuel (Emmanuel), Mi­chael Stephen, Mary Divine Grace, at Queen Elizabeth ay kasama sa wedding entourage. Wala namang papel ang kanilang bunso na si Israel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with