^

PSN Showbiz

Mistulang first lady na kailangang payungan kahit saan Batang aktres na sobrang popular, nasalo lahat ng kaartehan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag pinagsama-sama ang mga kuwento ng iba-ibang tao tungkol sa isang young actress ay maniniwala ka na nga na matindi pala ang kanyang kaartehan. Nang magsabog pala ng kaartehan ang mundo ay nakasambot nang sobra-sobra ang popular na batang aktres.

OA na siguro ang kuwento ng siya ang nasusunod sa takdang oras ng pagsalang niya sa harap ng mga camera, pero may mga nagpapatotoo na hindi siya puwedeng magpunta sa location nang tirik na tirik ang araw, bawal pala sa kanya ang mainitan.

Pero pagsaklolo agad ng isang source, “Hindi ‘yun dahil sa physical condition niya, wala siyang sakit, hindi siya pinagbawalan ng family doctor nila na huwag siyang magpapainit.

“Dahil ‘yun sa mga ipinagagawa niyang kung anik-anik sa balat niya, may mga pinagdadaanan siyang treatment, pangarap yata kasi niyang maging mestisa.

“So, hindi siya puwedeng magpaaraw, kapag naglalakad siya kahit maigsi lang naman ang distance, kailangang pinapayungan niya. Magkakaroon kasi ng effect sa balat niya ang direct heat, kaya hindi siya puwede sa arawan.

“Kapag bumababa na siya sa van niya, kahit pa makulimlim naman, e, kailangan pa rin niyang payungan. Hitsura sa kanya ng first lady na kailangang payung-payungan kahit saan siya magpunta!

“Hindi naman kaartehan ‘yun, kailangan lang talagang gawin, dahil masisira ang kutis niya. Marami kasi siyang ipinapahid na kung anu-ano sa balat niya, marami siyang seremonyas, kailangan lang niyang alagaan ang skin niya para ma-maintain niya ang pagiging flawless,” kuwento ng aming impormante.

Sa kanyang mga damit ay walang kaartehan ang batang aktres, kahit lumang sapatos na ay isinusuot pa rin niya, pero pagdating sa mga seremonyas tungkol sa kanyang balat ay handang makipagpatayan ng popular na young actress.

Ubos!

Jose at Wally hindi siniseryoso ang mga personal na problema!

Nakasama namin sa isang show sa Pandi, Bulacan ang mga pinakasikat na lola ngayon. Ibang klase na ang katanyagan nina Jose Manalo at Wally Bayola. Hindi na sila maitatago sa kahon.

Nakakapangilabot nga dahil habang paakyat sila sa entablado ay parang mga superstar ang pagbubunyi ng mga tao sa dalawang komedyante. At kapag nasa stage na sila ay wala ka nang maririnig kundi puro palakpakan at sigawan ng manonood dahil sa kanilang pagkokomedya.

Dumating si Jose Manalo sa Casa Grande (katabing-katabi lang ng Amana Water Park na pag-aari ni Mayor Enrico Roque ng Pandi) na nakagomang tsinelas lang. Mula sa kalyeserye ay umuwi muna siya, nagpahinga sandali, saka tumuloy sa show nila ni Wally sa Pandi.

Kitang-kita ang pagod at kawalan ng pahinga sa kanyang itsura, pero walang anumang pagdaing o reklamo na maririnig mula kay Jose, alam niya ang katotohanan na sa dami ng mga personalidad na naghahanap ng trabaho ngayon ay napakapalad nila ni Wally.

At huwag sabihing bukod silang pinagpala na hindi nagkakaroon ng mga personal na problema? Pareho silang may pinagdadaanan. Pero kahit anino lang ng mga paghamon sa buhay na meron sila ay wala kang mararamdaman kapag nagsimula na silang magpatawa.

Sabi nga ni Wally, “Kahit gusto mo nang umiyak, pipigilin mo muna ang luha mo. Tanggap na namin ni Jose ang ganu’n. Pagkatapos ng performance, saka na lang namin haharapin ang mga dinadala naming problema.”

Ang talento nina Jose Manalo at Wally Bayola ay kanilang-kanila lang, walang makakaplakado, inaangkin nila ngayon ang entablado ng kasikatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with