^

PSN Showbiz

Umaasta pang parang sikat Aktor na nagkakaedad na,hindi na natural ang kilos at pananalita

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Negative ang mga feedback sa acting ng isang comebacking actor na dapat mag-isip-isip kung talagang seseryosohin niya uli ang pag-aartista matapos ang matagal na pamamahinga.

Walang problema kung isa o dalawa lamang ang nagsasalita ng negatibo tungkol sa inaasal ng aktor pero halos iisa ang reklamo ng lahat, na hindi na natural ang kanyang mga pananalita at kilos. Hindi rin siya cooperative sa promo ng bagong project niya.

Nagkakaedad na ang aktor. Hindi na siya bumabata. Marami ang naghihintay ng break sa telebisyon at pelikula.

Kung pakakawalan pa niya ang malaking oportunidad na ibinigay sa kanya ng isang television network, baka wala na siyang mapuntahan.

Sen. Grace hindi na naman nag-match sa DNA ang nagpakilalang kamag-anak

Kung negative ang attitude ng aktor, negative rin ang resulta ng DNA tests kay Senator Grace Poe at sa mga tao na nagpakilala na kamag-anak niya mula sa Guimaras.

Lumabas kahapon ang resulta at hindi nag-match ang DNA ni Mama Grace at ng isang Lorena Rodriguez Dechavez na lumitaw noong nakaraang taon at nagsabi na posibleng kamag-anak nila ang presidential candidate ng Partido Galing at Puso.

Nangampanya kahapon sa Pangasinan sina Mama Grace, Senator Chiz Escudero, Edu Manzano at ibang mga senatorial candidate ng PGP.

Sinabi ni Mama Grace sa mga Pangasinense na hindi makakaapekto sa depensa nila sa disqualification case laban sa kanya ang resulta ng DNA tests.

Scandal ni Mark mabilis natabunan ng ibang kalaswaan

Mapapanood ngayong gabi ang second week sa telebisyon ng Tasya Fantasaya, ang romantic comedy fantasy series nina Shy Carlos at Mark Neumann sa TV5.

Inaabangan ang Tasya Fantasya dahil naghatid ng aliw ang pilot telecast sa televiewers na dinedma ang isyu na may video scandal si Mark.

Hindi masyadong pinag-usapan ang video scandal na biglang namatay at natabunan ng mga bagong video scandal ng mga aktor na kaligayahan na ang makipaglaswaan sa harap ng kanilang mga computer at cell phone camera.

Aktres na pinaasa at pinaniwalang mahal ang mayamang lalaki, hindi makalimutan

Bigla kong naalaala ang makulay na nakaraan ng aktres nang makita ko siya sa presscon ng isang big-budgeted television show.

Hindi ako malisyosa pero sumagi sa isip ko ang pang-eeklay ng aktres sa isang mayamang businessman na pinaasa at pinaniwala na mahal niya.

Nakinabang nang husto ang aktres at ang pamilya nito sa kayamanan ng mhin na nagbigay sa kanya ng mga mamahaling gamit at alahas.

I’m sure, binura na ng aktres ang nakaraan dahil ayaw na niyang balikan ang panahon ng kanyang pang-eeklay sa mayaman na mhin.

Kris magbi-birthday na loveless!

Bukas na ang Araw ng Mga Puso at bukas din ang kaarawan nina Heart Evangelista, Kris Aquino, John Prats, at Senator Juan Ponce Enrile.

Sure na magiging masaya ang Valentine’s Day para kina Heart at John dahil kapiling nila ang kanilang mga asawa.

Forty-five years old na bukas si Kris pero loveless pa rin siya samantalang malakas at masiglang-masigla  si Senator Enrile na turning 92 years old.

Happy Birthday!

Belated happy birthday sa aking inaanak, ang Ateneo de Manila University basketball player na si Von Pessumal.

Kahapon ang 23rd birthday ni Von na inaanak namin ni Gabby Concepcion sa binyag. Parang kailan lang, sanggol pa si Von nang dumalo kami ni Gabby sa binyag niya noong 1993. Ngayon, basketball star na siya at tinitilian ng mga kababaihan.

Anak si Von ng aking friend na si Dr. Chandru Pessumal ng Vision Optical sa Shopwise Arcade, Times Square Street sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with