^

PSN Showbiz

Pangako Sa ‘Yo, huling gabi na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siguradong titigil ang mundo ng mga manonood sa pagtatapos ng top-rating teleseryeng Pangako Sa ‘Yo sa finale episode nito bukas matapos ang isang linggo ng mga sunod-sunod na pasabog at rebelasyon.

Unti-unti nang nababago ang takbo ng buhay at pag-ibig ng mga karak­ter sa serye ngayong nailantad na ang pagkukunwari ni Claudia (Angelica Pa­nga­niban) na may amnesia siya, pati na ang katotohanang siya ang may kagagawan sa pagkamatay nina David (Diego Loyzaga), Diego (Bernard Palanca), at Caloy (Joem Bascon).

Matatanggap pa kaya ni Angelo (Daniel Padilla) ang kanyang tunay na amang si Simon (Alex Medina)?

Matutupad na nga ba ang pangarap nina Amor (Jodi Sta. Maria) at Eduar­do (Ian Veneracion) na magkaroon ng isang buong pamilya? Pumalo noong Feb. 10 sa national TV rating na 42.1% ang programa. Nauna nang nasungkit ng prog­rama ang all-time high na national TV rating nitong 42.7% noong Martes (Feb. 9).

Huwag palampasin ang finale ng Pangako Sa ’Yo bukas pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with