^

PSN Showbiz

Marian ‘nakipagtuos’ na kay Maine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Um-attend si Maine Mendoza sa trade laun­ching ng GMA Network at GMA Thanks­giving Party na ginawa sa Makati Shan­gri-La last Wednes­day. Ang tanong ng AlDub Nation, ibig daw bang sabihin nito ay Kapuso talent na si Maine?

Waiting ang AlDub Nation na maging Kapuso na rin si Maine para gumawa na sila ng regular TV show ni Alden Richards. Matagal na rin nilang nire-request sa GMA Records na bigyan ng album si Maine. Si Alden nga naman, magiging dalawa na ang album dahil sisimulan na nito ang bago.

Ikinatuwa ng AlDub Nation ang mga picture na lumabas na kasama ni Maine si Marian Rivera. Matitigil na siguro ang tsika na parang hindi feel ni Marian si Maine na malabong mangyari dahil pareho sila ng management company.

Ang hinihintay nila ay pictures nito kasama ang tweens ng GMA 7 gaya nina Barbie Forteza, Bea Binene, Derrick Monasterio, at Kristoffer Martin. Tila hindi raw naipakilala ni Alden ang ka-love team sa mga kaibigan niya.

Boyet nagbabagong-anyo na

Sunud-sunod ang kontrabida roles na gina­gampanan at gagampanan pa ni Christopher de Leon at obvious na nag-i-enjoy siya dahil kung hindi, hindi siya tatanggap ng mga ganitong role. Ang importante lang, hindi niya inuuwi sa bahay ang pagiging bad niya sa screen.

After Beautiful Strangers, kontrabida uli siya sa Ang Pro­binsiyano at Ang Panday ng TV5. Mas katatakutan si Boyet sa Ang Panday dahil may prosthetics pa at bilang si Lizardo, evil personified daw ang kanyang karakter. Matatakot na naman daw sa kanya ang mga bata.

“I have to reinvent myself. I can’t be the boy next door all of my life. I’m older now, dapat bagay na sa age ko ang role na gagawin ko. Tanggap ko naman na ibang roles na ang ibinibigay sa akin. I just have to do my best,” sabi ni Boyet.

Nabanggit din ni Boyet na isa ang Panday ni Fer­nando Poe, Jr. (FPJ) sa mga pelikulang naka-inspire sa kanya na magdirek, kaya natutuwa siya na kasama siya sa remake nito sa TV at si Richard Gutierrez pa ang gaganap na bida.

“Bagay kay Richard ang role ni Panday, he looks like a superhero. Nag-enjoy din ako sa sword fighting namin dahil dream ko ito matagal na. Nag-train kami ng sword fighting ni Richard, ang sarap kahit masakit sa katawan,” dagdag ni Boyet.

Anyway, bukod sa Ang Panday, may gagawin pang indie film si Boyet to be directed by Paul So­riano. Dukot daw ang working title nito, supporting ang role niya at si Shaina Magdayao ang bida.

Sa February 29, ang pilot airing ng Ang Panday na ang Viva ang nasa likod at mapapanood sa TV5 sa direction ni Mac Alejandre. Impressive ang trailer nito at kitang pinagkagastusan ng malaki.

Meg walang inhibition sa halikan nila ni Diether

Ang ganda ng rehistro sa screen ni Meg Imperial sa Bakit Manipis Ang Ulap?. Bothered lang kami sa eksenang naka-two-piece swimsuit siya dahil may kalusugan siya ng kaunti. Sabagay, in real life naman, kahit ang mga malulusog ay nagsusuot ng two-piece ‘pag nagsu-swimming.

Aminado si Meg na medyo tumaba siya dahil ang kuwento nito sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap?, dumaan siya sa depression at idinaan niya sa pagkain ang naramdaman. Pero nag-i-effort na siya na maalis ang unwanted pounds niya.

Pero pagdating sa ganda ng mukha at acting, wala kaming maireklamo kay Meg. Pati sa kissing scene nila ni Diether Ocampo, kita mong wala siyang inhibition at ang mga eksena nilang magkasama ang isa sa aabangan sa serye na sinasabing biggest teledrama ng taon na mapapanood na sa February 15 sa TV5, sa direction ni Joel Lamangan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with