^

PSN Showbiz

Diether conscious sa kanyang acting

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Parang pelikula ang treatment ng TV adaptation ng 1985 Danny Zialcita movie na Bakit Manipis ang Ulap? na pinagbibidahan ngayon nina Claudine Barretto, Cesar Montano, Diether Ocampo, at Meg Imperial mula sa direksyon ng premyadong director na si Joel Lamangan.

We were lucky to have watched the premiere showing ng pinakabagong teleserye ng TV5 in coo­peration with Viva TV na ginanap sa SM Aura Cine­ma last Wednesday evening na dinaluhan ng director na si Joel Lamangan, ang cast na pinangu­han ni Claudine, ang Viva big bosses na sina Boss Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus, ang big boss ng TV5 na si G. Manny V. Pangilinan at marami pang iba.

Kahit matagal tumigil sa pag-arte ang ex-wife ni Raymart Santiago, napakahusay pa rin ni Claudine except na kailangan talaga niyang magbawas ng timbang.

Isa namang kasamahan namin sa pa­nulat ang nagkomento na hanggang nga­yon ay wala pa ring lalim ang pag-arte ni Diether Ocampo sa kabila ng maraming taon na niya sa larangan ng pag-arte.

“Masyado siyang conscious sa kanyang pag-arte kaya hindi natural,” diin ng isa pang reporter.

But generally, maganda ang pagkakagawa ng Bakit Manipis ang Ulap? na magsisimulang mapanood sa TV5 ngayong February 15. Sa nakita na­ming flow ng istorya, mukhang aabangan ang bawat eksena at episode ng programa dahil sa rami ng twist. Ito rin ang magsisilbing comeback project ni Samantha Lopez na may kung ilang taon ding namimirhan sa New York City, USA sa piling ng kanyang ex- American businessman-husband.

Annabelle napigilan ang bibig sa pagbibida ni Richard 

Overwhelmed ang pakiramdam ng original Fan­taser­ye Primetime King na si Richard Gutierrez nang ipagkatiwala sa kanya ng Viva TV, ng mega couple na sina Donna Villa at Carlo J. Caparas, at ng TV5 ang isang napakalaki at klasikong proyekto for his TV comeback project.

Hindi ikinakaila ni Richard na isa siyang Panday fanatic dahil lahat halos ng version ng Panday movie na magkahiwalay na pinagbidahan nina FPJ at Sen. Bong Revilla ay napanood niya pero never umano sumagi sa kanyang isipan na balang araw ay ga­gam­panan niya ang nasabing role. Kaya nang ibalita sa kanya ng kanyang mommy cum manager na si An­nabelle Rama na siya ang gaganap na bagong Panday sa telebisyon ay hindi siya agad makapaniwala.

“Matagal na nag-sink-in sa utak ko ang sinabi ni Mommy,” pahayag ni Ri­chard.

“Pero nang makaharap ko na mismo si Boss Vic (del Rosario ng Viva) at sinabi niya sa akin na ako na ang bagong Panday, doon lamang ako talagang nakapaniwala na totoo pala ang sinasabi ng mom ko,” natatawang pahayag ni Richard.

Although si Boss Vic na mismo ang nagsabi, naging tahimik lamang ang mag-inang Annabelle at Richard tungkol sa proyekto hangga’t hindi nagkakapirmahan ng kontrata.

“Siyempre natakot din ako na wala pang kontrata at baka hindi matuloy tapos nag-ingay na ako, ako at si Richard ang mapapahiya,” paliwanag ni Annabelle.

Parang reunion ito ng dalawang prominenteng Cebuana na sina Donna at Annabelle na parehong nasa likod at number one supporter ng kanilang respective husbands na sina Direk Carlo at Eddie Gutierrez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with