^

PSN Showbiz

Young actress tinraydor ng mga nakainuman! Claudine may bagong baby na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos ng Royals concert ni Regine Velasquez kasama sina Martin Nievera, Erik Santos, at Angeline Quinto, magsisimula na siyang mag-taping sa bagong drama series niya sa GMA 7, ang Poor Senorita.

Light drama lang daw ito at may pagka-comedy dahil dito talaga kumportable si Regine. Kaya tingin niya, mag-i-enjoy siya sa pagbabalik sa teleserye.

“Siguro, I’m more comfortable and feel more confident doing a comedy soap. But, alam mo na­man ang mga comedy laging may drama pa rin ‘yun, may puso pa rin,” pakli nito.

Aware na rin si Regine na ipinagpatuloy ang kauna-unahang indie film niyang Mrs. Recto at si Glaiza de Castro na ang kinuhang bida. Aware rin siya na ginamit ang ilang footages na kinunan sa kanya bago pa ito nabuntis. Natawa na lang siya nang tinanong ito sa kanya sa presscon ng Royals concert na magaganap sa SM MOA Arena sa February 13, Sabado.

PAK: Ma-PR ang young actress sa mga nakatrabaho niya sa isang pelikulang kinunan out of town.

Kahit ang ilang talents ay katsikahan niya at tala­gang nakikisama siya sa mga nakatrabaho niya sa set. Hanggang sa pakikipag-inuman sa shooting break, join si young actress.

Hindi niya alam na ang ibang pasosyal na female talents ay nakikipagplastikan lang pala sa kanya.

Itsinitsismis na pala siya ng mga ito na malakas daw siyang lumaklak. Buong tiwala ang young actress na hindi ito ikukuwento sa iba. ‘Yun pala, kalat na kalat nang malakas daw itong tumoma. Parang maton daw ito kung makatungga ng Emperador, isang brand ng alak. Isang bote raw ng naturang inumin ay dire-deretso niyang nilalaklak.

Ang buong akala namin, refined ang drama ni young actress, malakas pala sa inuman na ibinuking ng mga plastikadang kainuman niya.

BOOM: Iniiwasan ni Claudine Barretto na pag-usapan ang tungkol sa tsikang nag-ampon ito ng baby.

Marami ang nakapansin sa ipinost niya sa kanyang Instagram account na may kalong na batang babae.           

Sabi niya; “I’m not ready to talk about it yet. It’s not yet the time. Soon malalaman ‘nyo rin.”

Nag-“yes” lang siya nang sinundan sa tanong kung may kinalaman ba sa legalities kaya ayaw muna niyang magsalita.

Basta ibabahagi raw niya ito sa tamang panahon.           

Ayaw din niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Raymart Santiago at sa pamilya dahil ayaw daw niyang isipin ng iba na ginagamit niya ito sa promo ng drama series niya sa TV5 na Bakit Manipis ang Ulap?.

Nagkaroon ang serye ng press preview sa SM Aura kamakalawa ng gabi. Napanood namin ang pilot week ng naturang serye na magsisimula na sa primetime ng TV5 sa February 15.

Pinuri si Claudine sa maganda niyang performance, kaya lang medyo mabigat pa siya roon. Malaki na ang ipinayat nito nang makatsikahan namin sa press preview.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with