^

PSN Showbiz

Maine at Carla, naghiraman ng damit! Angel pabiba!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Viral ang larawan ni Vice President Jojo Binay na punumpuno ng abo sa mukha pero hindi naiisip ng detractors niya na pabor sa presidential candidate ng UNA na pinaglalaruan siya dahil nakukuha nito ang simpatiya ng publiko.

SCENE: Pabida at pabiba si Angel Locsin nang ipagtanggol niya si Luis Manzano tungkol sa silahis issue. Hindi nag-iisip si Angel dahil pinalaki lamang nito ang isyu nang patulan niya ang hindi kilalang tao.

SEEN: Ang fashion designer na si Mark Bumgarner ang gumawa ng damit na ginamit ni Maine Mendoza para sa isang pictorial at damit na isinuot ni Carla Abellana sa thanksgiving dinner ng GMA 7 sa isang 5-star hotel sa Makati City noong Miyerkules.

SCENE: Handpainted by Heart Evangelista ang identical dress nina Maine Mendoza at Carla Abellana na kasama sa mga koleksyon ni Mark Bumgarner sa kanilang Bumgarner X Love Marie joint fashion show sa Dusit Hotel noong January 18, 2016.

SCENE: Sa February 17 ang 31st birthday ni Anne Curtis. Birthday “gifts” niya sa fans ang bagong record album na Forever Young at ang children’s book na kanyang isinulat, ang Anita, The Dukling Diva.

 SCENE: Ipinangangampanya ni April Boy Regino ang presidential candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, kahit may problema sa kalusugan niya.

SEEN: Ang GMA 7 thankgiving dinner ang first public appearance ni Marian Rivera buhat nang isilang niya ang panganay nila ni Dingdong Dantes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with