^

PSN Showbiz

Panday pino-promote ni Sen. Grace sa mga taxi driver!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maligaya si Senator Grace Poe sa muling pagbuhay ng TV5 at ng Viva Entertainment sa Ang Panday na unang ginampanan ng kanyang pumanaw na ama na si Fernando Poe, Jr.

Mismong si Mama Grace ang nag-promote ng teleserye na pagbibidahan ni Richard Gutierrez sa Kapatid Network sa radio interview sa kanya nina Martin Andanar at Erwin Tulfo.

“Sa lahat po ng mga nakikinig na mga taxi driver natin, may teleserye rin ang TV5 na Panday,” ang sey ni Mama Grace habang nakikipag-usap siya kina Papa Martin at Papa Erwin sa radio program na Radyo Singko.

Sa mga pelikula na ginawa ni Kuya Ron, ang Panday ang isa sa mga paborito ni Mama Grace. Sa true lang, parang nagkakapareho ang kuwento ng buhay ni Mama Grace at ni Flavio, ang bida sa Ang Panday.

Katulad ni Mama Grace, foundling o “pulot” din si Flavio, ayon sa direktor na si Carlo J. Caparas, ang creator ng karakter na pinasikat ni Kuya Ron. 

“It’s mere coincidence that it was Grace’s dad FPJ who helped immortalize Panday which he portrayed in four mo­vies that were Metro Filmfest top grosser,” ang sabi ni Papa Carlo, ang lumikha ng Panday na isa na sa kanyang mga classic novel.

“Marami akong paboritong pelikula ni FPJ pero siguro ang tumatak na rin sa isip ng marami at sa akin din, ‘yung Panday. Noong ginawa ni FPJ, ‘yon, kakaiba ang panahon noon at kahit ngayon, lalo na ‘yung fully restored na Panday,” ang dagdag-impormasyon ni Mama Grace.

Carlo J. ideya ang prequel ng Panday

Si Mac Alejandre ang direktor ng Ang Panday at bilib na bilib sa trabaho niya si Papa Carlo.

Movie director din si Papa Carlo pero ipinaubaya niya kay Mac ang pamamahala sa Ang Panday dahil pareho kami na maigsi na ang pasensya sa pagpupuyat.

Maraming location ang Panday, may Paoay sa Ilocos Norte, Kalayaan, Laguna, at Tanay, Rizal

Hindi biro na bumiyahe sa malalayong lugar at magpuyat, lalo na kung matindi ang project na gaya ng Ang Panday.

May sey pa rin si Papa Carlo sa Panday pero sa creative side na lang. Idea niya na magkaroon ng prequel ang bagong teleserye ni Richard at gawing modern ang kuwento para sa kapakanan ng mga bagets na interesadong-interesado rin na malaman ang kuwento tungkol kay Flavio.

Isa si Jasmine Curtis Smith sa leading ladies ni Richard sa Ang Panday.

Hindi pa nagsisimula ang taping ni Jasmine para sa Ang Panday kaya wala pa siyang ma-share na kuwento sa grand presscon ng inaabangan na primetime show ng TV5 at Viva na mapapanood na sa February 29.

Pampelikula ang buhay

Napanood ko sa isang news program ang interbyu kay Sayong Militar, ang babae na nakapulot kay Senator Grace Poe sa simbahan ng Jaro noong September 1968.

Eighty nine-years old na si Aling Sayong na ma­linaw na malinaw pa ang memorya dahil natatandaan pa nga niya ang mga pangyayari nang mapulot niya si Mama Grace sa loob ng simbahan.

Pampelikula talaga ang life story ni Mama Grace at hindi mga ordinaryong tao ang involved dahil si Jaime Cardinal Sin na isa sa mga bayani ng People Power Revolution noong 1986 ang nagbinyag sa kanya at mga sikat na artista, ang mag-asawang FPJ at Susan Roces ang mga umampon sa senadora na tila may misyon sa buhay at nakatadhana na maging popular.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with