^

PSN Showbiz

Toni buntis na raw?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Buntis na nga ba si Toni Gonzaga?

Kahapon ay kumalat ang balitang preggy na si Mrs. Paul Soriano na nag-umpisa sa www.pep.ph.

Pero walang confirmation sa kanilang kampo. Kahit sa mga tinanungan ko ay walang makapagkumpirma kung true na nakabuo na ang mag-asawang Direk Paul and Toni.

Bukas na magsisimulang mapanood si Toni bilang isa sa judges ng singing contest na I Love OPM na pawang mga foreigner ang kasali pero mga Tagalog ang kakantahin, hosted by Anne Curtis.

Ilang beses na ring naudlot ang pag-ere ng Written in Our Stars na pinagbibidahan nina Toni, Sam Milby and Piolo Pascual na last year pa na-press release pero hindi pa napapanood.

Eh kung buntis, big deal ba eh may asawa naman siya!

Bakit manipis… parang pelikula ang quality

Maganda pala ang k­uwento ng pelikulang Bakit Manipis ang Ulap? na ginawa ngayong serye ng Viva for TV5 na nagkaroon ng press preview the other night sa SM Aura.

Hindi mo aakalaing matagal na ang kuwento nito na hinaluan umano ng modern twists na pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Cesar Montano, Meg Imperial with Diether Ocampo na idinirek ni Joel Lamangan.

Bukod sa mga eksena, paandar din ang mga dialogue.

Pero ang isa talagang napansin ng lahat ay ang galing sa acting ni Claudine. Wala talagang kupas ang effortless niyang acting. Kaya naman hindi mapigilan ng mga nanonood kasama na sina TV5 big boss Manny Pangi­linan, with Mr. Noel Lorenzana, PhilStar President/CEO Miguel Belmonte at ang TV5 Chief Strategist Vic del Rosario na makipalakpak sa acting ng dating Kapamilya actress.

At dalawang eksena ni Claudine ang tumatak sa mga nanood. Ang sakit na iniyakan niya nang ikasal ang boyfriend sa iba at ang eksena na nasa bar sila kung saan naglalabas ng sakit ng loob ang aktres sa kaeksenang si Diether Ocampo.

Walang itapon sa mga nasabing eksena ng aktres na present sa ginanap na preview.

Mabilis ang mga pangyayari sa kuwento. Hindi nakakainip at kitang-kita sa mga eksena na ginastusan ng Viva at TV5 ang Bakit Manipis ang Ulap?

Hindi rin nagpahuli siyempre si Meg Imperial na kahit medyo malusog ay palaban naman.

Si Cesar ay hindi pa gaanong nakita ang mga eksena.

Base sa napanood naming episode, parang daig pa nito ang production ng isang pelikula.

Magsisimulang umere ang Bakit Manipis ang Ulap? sa Monday Primetime, February 15, ng TV5.

GMA artists nagsanib puwersa para sa One Heart Album

Nagsama-sama ang ilan sa mga Kapuso artists para mabuo ang charity project ng GMA Records, ang One Heart album. Naglalaman ang album na ito ng iba’t ibang genre ng kanta na siguradong magugustuhan ng lahat. May mga kantang pampakilig, makapagbibigay ng pag-asa, at syempre hindi mawawala ang mga kantang puno ng hugot. Maaari itong i-download sa iTunes simula Pebrero 14 at ang ilan sa kikitain dito ay ilalaan sa GMA Kapuso Foundation.

Listahan ng mga bagong Sang’gre ilalabas na

 Balita namin ay nasa final stages na ng casting ang Kapuso Network para sa Encantadia 2016. Sinu-sino kaya ang mapapalad na gaganap sa role na Amihan, Pirena, Alena at Danaya? Excited na ang lahat ng fans na malaman ang mga bagong artistang magbibigay-buhay sa apat na paborito at popular na karakter ng telefantasya. Inaabangan na rin ang magiging bagong costumes ng apat na magkakapatid pati na rin ang iba pang magiging cast members ng serye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with