^

PSN Showbiz

Kahit complicated ang status concert ni Lovi hindi pinalampas ni Rocco

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Birthday ni Lovi Poe ngayong araw at kahit walang malaking party to celebrate it, masaya ito dahil natupad ang wish niyang magkaroon ng birthday concert. Advance man ang Fantaisie concert nila ni Solenn Heussaff, pumatak pa rin ‘yun sa kanyang birthday month.

Birthday gift na rin kay Lovi na successful ang concert nila ni Solenn at balita namin ay nanood si Rocco Nacino na sabi ni Lovi, “complicated” ang status ng love life nilang dalawa. At least, walang nagsabi kay Lovi na sana, mas marami siyang damit na suot na reaction ni Nico Bolzicco kay Solenn.

Anyway, naghuhulaan ang followers ni Lovi sa Instagram (IG) kung kanino niya patungkol ang post na “Jaded” at ang caption ay “I KNOW ITS YOU CAUSE I CAUGHT YOU. Be A good person to attract positivity!!!”

Sam ‘di kayang iwan ang Bubble Gang

Isa si Sam Pinto sa leading ladies ni Richard Gutierrez sa Ang Panday at nagpahayag ito ng tuwa na kasama siya sa cast ng fantaserye na mapapanood sa TV5, simula sa February 29, 8:30 p.m. Sa primetime slot siya at daily, kaya mali ang tsikang every Saturday lang ang airing nito.

Nakuwento ni Sam sa presscon na tinanong siya ng Viva kung drama o fantaserye at pinili niya ang fantaserye ang gusto niyang gawin dahil mag-a-action siya.

Gagampanan ni Sam ang role ni Steph at makakasama ni Richard sa modern world. Sabi ni Sarah Lahbati, hindi isyu sa kanya kung magkaroon ng kissing scene si Richard sa leading ladies niya, ganu’n din siguro ang reaction ng BF ni Sam na si Misagh Bahadoran, member ng Azkals.

Puwedeng lumabas sa TV5 si Sam dahil per program lang ang kontrata nito sa GMA 7 at Bubble Gang lang ang show nito sa nasabing network. Nalaman namin kay Veronique del Rosario-Corpus na mapapanood na uli si Sam sa gag show dahil pumirma na uli ito ng kontrata sa GMA 7. Ayaw daw nitong iwan ang Bubble Gang dahil mahal nito ang show at ang mga kasama niya rito.

Iya at Drew bubuo na ng baby sa Australia at New Zealand

Magti-taping muna si Iya Villania ng Lip Sync Battle at Because Of You bago sila lumipad for Sydney at New Zealand ni Drew Arellano para sa second wedding anniversary at Valentine’s Day celebration nilang mag-asawa. Bukod sa bakasyon, may karera rin daw si Drew na sasalihan.

Last year pa ipinagpaalam ni Iya ang two weeks absence niya pati sa Chika Minute. Sa Because Of You, nagawan ng paraan na i-exit muna ang Rebecca karakter niya sa story at si Vaness del Moral muna ang kakampi ni Carla Abellana sa pambu-bully ni Valerie Concepcion.

Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa Lip Sync Battle dahil pilot episode pa lang ang na-taped nila ni Michael V at magti-taping ng pang-second episode.

Hindi lang ang guests na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa pilot episode ang may pasabog, pati sina Michael V at Iya, ay ayaw pahuli. Hintayin na lang daw ang pilot episode nila sa February 27 ang kanilang pasabog.

Looking forward si Iya na maging contestants ang pair nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos pati na sina at Gabby Concepcion at Christopher de Leon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with