^

PSN Showbiz

Female personality na feelinggera at asyumera, pinagkaisahan ng mga kasamahan kaya napatalsik sa show

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Feelinggera. Asyumera. Ganu’n kung ilarawan ng kanyang mga nakakatrabaho ang isang female personality. Akala raw siguro ng seksing personalidad ay sikat na sikat siya kaya nagbuo na siya ng sariling mundo.

Wala pa naman siyang napatutunayan sa pag-arte, sa pagho-host ay so-so lang ang alam niya, tanging ang sexy figure niya ang maipagmamalaki ng babaeng personalidad.

Maraming kuwentong umiikot tungkol sa kanya. Ginagawa niyang alalay ang kanyang boyfriend na di hamak namang mas may pangalan at career kumpara sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan, e, gulat na gulat ang mga nasa studio kung bakit nagkukumahog sa pagtakbo si ____(pangalan ng singer). Para siyang hinahabol ng toro, talagang takbo kung takbo siya!

 “Kailangan niyang pumunta sa parking lot ng network, meron siyang kailangang kunin, nagmamarakulyo na kasi ang girlfriend niya na may naiwanan sa kanyang car. Natural, para wala nang diskusyon, run Samson run na lang ang boyfriend niya!

“Ganu’n siya palagi, nand’yang bitbit niya ang mga damit ng girl, ang mga boxes ng shoes, ang make-up kit. Nakakaawa naman ang lalaking ‘yun, para siyang PA ng karelasyon niya!

“Pasensiya na lang siya, sobrang feelinggera at a­syumera kasi ang girlfriend niya. Feeling niya, e, sikat na sikat na siya, kaya ganu’n ang attitude niya!” naiinis na kuwento ng aming source.

Parang pinitisyon pala ng kanyang mga kasamahan ang female personality, ipinarating ng mga ito sa pamunuan ng network ang ugali ng babaeng asyumera, kaya nagdesisyon ang kanilang mga boss na alisin na lang siya sa show.

“Siya lang kasi ang namumukod-tanging walang PR sa show. Nagbebesohan na ang lahat, pero siya, may sariling mundo sa isang sulok. ‘Yun ang napala niya sa pagiging fee­linggera at asyumera!” nakataas pa ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Lalo ang tungkol sa pagiging pulot... Mga sinasabi ni Sen. Grace nakakakilabot!

Sinuyo namin at pinagpuyatan ang replay ng mga ginanap na proclamation rally ng apat na pulitikong nag-aagawan sa pinakamataas na upuan ng ating bayan.

Parang piyesta ang kapaligiran. Kani-kanyang pabongga ang lahat ng partido. Meron silang mga unipormadong tagasuporta na nagwawagayway ng kanilang mga banner at kung anu-ano pang mga materyales de kampanya.

Magaling magsalita si VP Jejomar Binay. Armas nito sa laban ang lahat ng mga bintang na ibinabato sa kanya. Pakomedya naman ang atake ni Mayor Rodrigo Duterte at ni Senadora Miriam Santiago.

Puro banat naman sa kanyang mga katunggali ang laman ng talumpati ni Secretary Mar Roxas, wala itong binabanggit na mga pangalan, para itong pako na nakatago nga ang katawan pero nakalitaw naman ang ulo.

Ang talumpati ni Senadora Grace Poe ang ni hindi namin halos pinikitan. Kinikilabutan kami sa panonood sa kanya. Ang bawat salitang binibitiwan ng primera senadora nu’ng nakaraang halalan ay parang matalim na kutsilyong humihiwa sa aming puso.

Heto ang isang babaeng tinitiris-tiris at tinatapak-tapakan ng kanyang mga kalaban at tinatawag na ampon lang pero patuloy na tumatanggap sa hamon. Madiin siyang magsalita, madiin na sinsero at malinaw, kung ngayon na ang eleksiyon ay hindi kami magdadalawang-isip na isulat ang kanyang pangalan sa balota ng tagumpay.

Nang tutukan na ni SGP ang usapin ng kanyang pagi­ging foundling (pulot) at kinukuwestiyong lahi ay ewan, pero nararamdaman na lang naming lumuluha kami, iniyakan namin ang talumpati ni Senadora Grace Poe.

Isa lang ang malinaw na sagot sa aming naramdaman. Nakikisimpatya kami sa senadora, naniniwala kami sa mga pangakong binibitiwan niya sa entablado, ang sinseridad ng kanyang talumpati ay sapat na para regaluhan namin siya ng boto ng pagtitiwala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with