^

PSN Showbiz

Julia nagpaayos ng mukha!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Kaya naman pala lumiit na ang mukha ni Julia Montes ay dahil nagpa-Belo na siya.

Yup, matagal na palang pinuproblema ni Julia ang maumbok n­iyang mukha. Pakiramdam niya, masyado itong bilugan at ‘pag lumabas pa sa TV ay nadadagdagan ang laki, kaya nagiging uncomfortable siya.

Kaya naman nang magkaroon ng breakthrough beauty solution ang Belo Medical Group, ang Face Out Fat, ayun hindi na nagpapitik-pitik si Julia. Agad-agad siyang sumalang para ma-achieve ang pinapangarap na slim na hugis ng mukha. Non-invasive treatments ang Face Out Fat kaya wala siyang naramdamang takot.

“As soon as Dr. Vicki Belo gave us this option, I was very happy to really explore the idea of doing it. It was addressing my concern quite specifically and I knew that by doing it, it will give me more confidence to do my job. Now, I’m very happy with the result and many people have noticed my slimmer face,” sabi ng aktres na hindi tinantanan ng balitang sila na raw ni Coco Martin.

Paliwanag naman ni Dra. Belo, sa Face Out Fat ay dadaan ka sa slimming procedures tulad ng Botox Masseter, Exilis for the face and Ulthera. “The great thing about these procedures is that they give very noticeable results. Many of these procedures are quick and you can resume your daily routines in a few minutes. It’s the best option for busy individuals like Julia who can’t afford to go through a long recovery period,” paliwanag ni Dr. Belo tungkol sa procedure ng pagpapaliit ng mukha.

Ang Botox Masseter ay treatment na kailangan kang turukan ng Botox sa masseter muscle sa inyong panga para lumiit ang size nito, kaya mabilis na maghuhugis ang inyong mukha. Ginagamit umano ito sa mga pasyenteng may chronic jaw locking and jaw pain, na ngayon nga ay may additional benefit pa para gumanda.

Ang Exilis Elite naman ay bagong technology na gumagamit ng radio frequency (RF) energy for body and face contouring and skin tightening. It is a non-surgical procedure na mabilis magtanggal ng taba sa mukha at maging sa katawan.

Ang Ulthera ay isa namang procedure na non-surgical, non-invasive na gumagamit ng focused ultrasound para magkaroon ng natural healing process para mabanat at ma-tone ang mga balat sa mukha, leeg, sa ilalim ng baba at sa upper chest area. Ang paggamit ng machine na ito ay aprubado umano ng U.S. FDA.

Kaya naman si Julia ngayon, nagkalat ang billboard sa EDSA na maliit ang mukha. At in fairness, mas lalo siyang gumanda.

For more information about the Face Out Fat campaign, you may call 817-BELO.

I’m sure hindi naman ito masyadong expensive. Hindi ka naman gaganda kung hindi ka gagastos kahit pa ilagay mo sa mukha ang datung mo, ‘di ba?

Jericho atat sa kasunod ng Walang Forever

Inihahanda na ang kasunod na pelikula ni Jericho Rosales after ng super successful na #WalangForever na nagbigay sa kanya ng best actor award. At eager na siyang simulan ito na magsisilbi na ring celebration ng kanyang ika-20th years sa movie industry. “My heart is full. I’m more inspired to do more projects. I know its cliché but I am really grateful to all who supported me. The support I’m getting continues to spark the passion that I have for this industry,” pahayag niya kamakailan.

Yup, dalawang dekada na siya sa industriya na parang hindi natin namalayan na ganun na pala siya katagal.

Marami pang nakakaalala sa actor nang sumali sa talent search ng Eat Bulaga. Pagkatapos niyang manalo sa title, hindi na napigilan ang kanyang paglarga bilang isa sa pinakamagaling na actor.

Ang kakaibang charm at galing ni Echo ang nagdala sa kanya sa tagumpay na napansin hanggang sa Singapore, Indonesia, Cambodia, and South Africa. Salamat sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagsamahan nila ni Kristine Hermosa. Nakatrabaho niya rin ang iconic Malaysian artists na sina Aaron Azia and Tiz Zaqyah Razak sa Kusinero, isang TV series shown in Malaysia’s Astro Musika HD 134 channel.

Napabilang din siya sa grupong Hunks with Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, and Bernard Palanca.

Nailabas din niya ang kanyang musical side at nagka-singing career nang buuin ang bandang Jeans. Nakagawa rin siya ng album sa Malaysia.

Bilang actor, naging Panday siya at napansin sa Green Rose. He also did Dahil May Isang Ikaw with Kristine.

At siyempre, na-nominate siya sa iba’t ibang award giving bodies.

Maging ang pelikula niyang Alagwa (Breakaway) ay napansin sa ilang international film festivals and recognized as the Most Outstanding Achievement in Film Acting Award at the 2013 Newport Beach Film Festival.

At pinaka-last ang Best Actor Award he received para sa #WalangForever sa katatapos na 41st Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Kung tutuusin wala nang puwede pang hilingin si Echo sa kasalukuyan. Sa loob ng kanyang 20 years sa industriya, malamang nagawa na niya ang mga pangarap niya. Ngayon kahit kasal na, maganda pa rin ang takbo ng career niya, meron siyang magandang asawa at  pinupuri ang acting niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with