^

PSN Showbiz

Regine at Angeline magbibiritan habang nakaupo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Na-excite na agad ang press people nang banggitin pa lang ni Regine Velasquez na may duet sila ni Angeline Quinto na medley ng songs ni Whitney Houston sa Ro­yals concert nila sa February 13, sa SM MOA Arena. Imadyinin n’yo na lang kung gaano kaganda ang nasabing number ng dalawa.

Dagdag pa ni Regine, simple lang nilang kakantahin ni Angeline ang songs ni Whitney at nakaupo pa sila. Ang tiniyak ng da­lawa, walang sapawan sa kanilang number.

Ganu’n din sina Martin Nievera at Erik Santos, kung may number man silang mag­kasama, walang paistaran dahil gaya ni Angeline na nirerespeto si Regine, malaki rin ang respeto ni Erik kay Martin.

Big fan ni Martin si Erik at ikinuwento na bumibili siya ng CD nito at nag-iipon para mapanood ang mga concert. Kaya hindi pa rin makapaniwala na makakasabay niya itong mag-perform sa big concert at pang-Valentine’s Day pa.

Parehong aminado sina Regine at Martin na kaya silang ilampaso nina Erik at Angeline, pero alam din nilang hindi ‘yun gagawin ng dalawa.

Sa Feb. 14, dadalhin ng Starmedia Entertainment sa Waterfront, Cebu ang Royals at sabi ni Martin, walang tulugan ang mangyayari sa kanilang apat.

Jericho petilla naniniwala sa forever

Nabanggit ni senatoriable Jericho Petilla ang pelikulang St. Ignatius de Loyola nang makausap siya ng entertainment press. Maganda raw ang pelikula, pero hindi pa tapos dahil kinulang ito sa production budget.

Napanood namin ang parang teaser ng movie nang i-Google ng kasamahang sa manunulat na si Allan Dio­nes at tama ang sinabi ni Jericho na maganda nga ito. Parang Hollywood movie ang dating na pati cast ay parang hindi mga Pinoy. Ang ganda ng cinematography, lighting, production design at kakaiba ang camera shots!

Nabasa naming si Paolo Dy ang director ng nasabing pelikula na ayon kay Jericho, hindi pa alam kung kailan matatapos dahil million dollars pa ang kailangan. Nakakapanghinayang kung hindi matatapos at hindi ito maipapalabas dahil kulang sa budget.

Napag-usapan ang ganoong problema sa movie industry sa interview kay Mr. Petilla at may nabanggit siyang space for Filipino movies na naisip niyang solusyon para matulungan ang pelikulang Pilipino.

Naniniwala si Jericho na dapat i-require na hindi lang once a year ang film festival gaya ng Metro Manila Film Festival (MMFF). In fairness sa kanya, nanonood siya ng local films at napanood nito ang #WalangForever.

Barbie tumutulong kina Yassi at Andre sa gf for hire

Maraming YanDre fans ang natuwa at nagpasalamat kay Barbie Forteza nang i-post sa Instagram (IG) ang poster ng pelikulang Girlfriend For Hire. Bida sa Viva Films na opening today sina Yassi Pressman at ang ka-love team niya sa rom-com series ng GMA 7 na That’s May Amboy, si Andre Paras.

Binanggit pa ni Barbie na “Perfect Valentine Movie Date” ang Girlfriend for Hire. Magandang ehemplo ang ipinakita ni Barbie sa ibang love teams na nag-aaway-away ‘pag iba ang nakakapareha ng ka-love team.

Si Yassi mismo ang nagpasalamat kay Barbie, nag-post ito sa IG ni Barbie ng “Thanks baby gurl!!!.” Sinundan ito ng pasasalamat ng fans ni Andre.

It helps na magkaibigan sila ni Yassi noong nasa GMA 7 pa ito at malaking tulong din na nagsusuportahan ang Yandre fans at AnBie fans.

Louise at Enzo tuloy pa rin ang dedmahan

Nakita noong isang araw sina Louise delos Reyes at Champ Lu Pio sa Alabang Town Center. Sa nakaraang birthday ni Champ, binati siya ni Louise ng “Happiest Birthday to my favorite Monkey.”

Ang tanong ng fans ay kung may relasyon na raw ba ang dalawa. Tinanong namin si Louise tungkol dito at smile lang ang isinagot nito sa amin. Para sa mom ni Louise, friends lang ang dalawa. Pero ang tsika, in a relationship na sila.

Ang ganda ni Louise nang makita namin at habang wala pa siyang soap, ang indie film na Hermano Puli muna ang kanyang ginagawa. Magkakasama sila rito nina Aljur Abrenica at Enzo Pineda. Pero how true na up to now, hindi pa rin binabati ni Enzo si Louise?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with