^

PSN Showbiz

Bagay na bagay na Panday Richard nanggulat sa kapayatan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa Chinese New Year, nag-share kahapon ng blessings ang Golden Lions couple na sina Carlo Caparas at Donna Villa sa presscon ng Ang Panday ng TV5 at Viva Entertainment.

Bonggang-bongga ang presscon ng Ang Panday na pinakamalaking presscon sa pagsisimula ng Year of the Fire Monkey.

Bida sa Ang Panday si Richard Gutierrez na marami ang ginulat dahil malaki ang ipinayat niya kaya tailor made sa kanya ang role ni Flavio, ang karakter na pinasikat noon ni Fernando Poe, Jr.

Talagang all out ang support ng TV5 at Viva Entertainment sa kanilang primetime fantasy series na mapapanood na sa February 27.

Ipinakita kahapon sa presscon ng Ang Panday ang trailer nito na pelikula ang quality.

Sa trailer pa lang, obvious na ginastusan ng mga producer ang comeback teleserye ni Richard na na-miss ng televiewers.

Hindi mabibigo ang mga naghintay sa pagbabalik ni Richard dahil pinaghandaan nito ang kanyang bagong teleserye.

The Ultimate Primetime King ang introduction kay Richard ng program host dahil top rater naman talaga noon ang kanyang mga primetime show sa GMA 7.

Co-stars ni Richard sa Ang Panday sina Christopher de Leon, Epy Quizon, Alonzo Muhlach, Empoy, Ara Mina, Carlos Agassi, Regine Tolentino, Sam Pinto, Bangs Garcia, Jasmine Curtis Smith, at CJ Caparas, ang panganay nina Papa Carlo at Mama Donna.

Early bird sa presscon ng Ang Panday si Annabelle Rama na nakatutok kay Richard.

Napansin ng mga reporter ang happiness na nararamdaman ni Annabelle habang pinapakinggan nito ang mga sagot ng kanyang anak sa mga katanungan ng mga reporter.

Si Mama Donna ang pumili kay Richard para gumanap na Flavio sa Ang Panday dahil ayaw niya ng kung sinu-sino lang.

Hindi natin dapat makalimutan na sina Papa Carlo at Mama Donna ang nag-produce ng mga pelikula nina Richard at Raymond Gutierrez noong mga bagets pa sila.

Ang sey ng mag-asawa, noon pa man, napansin nila ang acting talent ni Richard kaya hindi na sila nagulat nang maging matinee idol ang dating child actor.

Michael V. excited na sa Philippine franchise ng Lip sync Battle

Kahapon din ang presscon ng Lip Sync Battle Philippines ng GMA 7.

Ang Lip Sync Battle ang ipapalit sa timeslot ng Celebrity Bluff na magkakaroon ng season break habang busy si Eugene Domingo sa bagong Sunday afternoon show nito, ang Dear Uge.

Sikat sa Amerika ang Lip Sync Battle na isa sa mga favorite show ni Michael V. kaya natuwa ito nang malaman niya na siya ang napili para maging host ng Philippine franchise ng programa.

Mga sikat na showbiz personality ang mga contestant ng Lip Sync Battle Philippines.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with