^

PSN Showbiz

Parehong Graded B GF for hire at Love is Blind, magsasalpukan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Parehong maganda ang dalawang pelikulang Tagalog na magbabanggaan ngayong araw sa mga sinehan – Girlfriend for Hire (Viva Films) and Love is Blind (Regal Films).

Graded B pareho ang Valentine films ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Magkaiba rin ang kuwento at concept though parehong kilig ang movie.

Ang Girlfriend for Hire ay Wattpad story na may 68 million views starring Andre Paras and Yassi Pressman.

Grabe ang ganda ni Yassi sa movie. Para pala siyang si Dawn Zulueta nu’ng kabataan ng aktres. At marunong siyang umarte ha.

Maging si Andre ay nakakaaliw. Sakto sila ni Yassi, as in super lakas ng chemistry.

Isa pang aabangan sa movie ay ang baguhang model na si Chris Bondad na gumaganap na chef sa movie. Wow. Ang lakas ng dating. Yummyness ang hitsura. Ha ha ha.

Basta matatawa ka, maiiyak at kikiligin to the max sa pelikulang idinirek ni Vanessa de Leon.

Ang Love is Blind ay ganun din. Ang lakas ng chemistry ng ex-lovers na sina Derek Ramsay and Solenn Heussaff. Nakakahinayang tuloy na hindi sila nagkatuluyan.

At siyempre, nagnakaw talaga ng eksena sa pelikula si Kiray Celis.

Malinis din ang pagkagawa ng Love is Blind na idinirek ni Jason Laxamana.

Kaya naman tiyak na susugurin ang dalawang pelikula ng mga lovers na naghahanap ng aliw ngayong Valentine week.

Ang Viva at Regal, aside from Star Cinema, ang natitirang movie producer kaya sana naman parehong maging box-office ang Girlfriend for Hire and Love is Blind.

Mga nagmalisya ayaw patulan Jasmine pinagtatawanan lang ang ginawa nila ni Erwan!

Gulat lang at hindi naman daw nasaktan si Jasmine Curtis sa pagmamalisya ng marami sa kanilang Snapshot video ng boyfriend ng ate Anne Curtis niya na si Erwan Heussaff.

Aniya, meron lang daw talaga sigurong mga taong hindi naiintindihan ang setup nilang tatlo kaya ayaw na lang niyang seryosohin.

Ibang level daw ang closeness nila at walang nabago kahit na may mga taong hindi nagandahan sa nasabing video na agad naman niyang binura sa kanyang Snapshot account. “Between the three of us, it was never been an issue,” katwiran ni Jasmine nang makausap ng ilang entertainment media sa bonggang launching ng Ang Panday kahapon na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez na mapapanood sa TV5 starting February 29. Isa si Jasmine sa tatlong leading ladies ni Richard – with Sam Pinto at Bangs Garcia.

Ang hindi lang matanggap ni Jasmine ay ang mga murang ibinato sa kanila samantalang hindi naman daw sila kilala ng mga ito.

Pero wala raw siyang sinayang na luha at hindi talaga sila naapektuhan. In fact, pinagtawanan lang ng kanyang ate at ni Erwan.

“More than anything siguro, kinukuwestiyon ko lang paano ‘yung mga isip ng mga tao.”

At least hindi si Jasmine mahilig magpapatol.

Drew at Iya, sa New Zealand ipagdiriwang ang Valentine’s Day!

Ilang tulog na nga lang ang inaantay ng Because of You actress na si Iya Villania para sa kanilang bakasyon ng asawang si Drew Arellano sa New Zealand. Ngayong Biyernes paalis ang mag-asawa na two weeks magbabakasyon sa New Zealand at Sydney. May sasalihang race si Drew sa New Zealand at doon na rin sila magse-celebrate ng Valentine’s Day at post-wedding anniversary celebration.       

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with