^

PSN Showbiz

Derek ayaw saktan si Richard

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Siguradong matatanong si Richard Gutierrez sa presscon ng Ang Panday sa nabanggit ni Derek Ramsay na sa kanya unang in-offer ang project. Hindi lang ito tinanggap ni Derek dahil si Kidlat na raw siya. Ang Kidlat ay ang pinagbidahan ni Derek sa TV5 na super hero rin.

Pero ayaw sabihin ni Derek na second choice si Richard dahil rude raw ‘yun. Mas nauna sa kanya si Richard at mas maraming nagawang projects kaya mas mahaba ang experience nito sa showbiz. Wala rin daw masama sa second choice dahil naging second choice na rin siya dati.

Kung may magandang paliwanag si Derek sa “second choice” issue, tiyak na maganda rin ang take ni Richard tungkol dito. Ang importante ay sa kanya napunta ang Ang Panday at siya ang makakatrabaho ni Christopher de Leon at magkakaroon ng tatlong leading ladies. Kasama rin sa cast si Alonzo Muhlach at marami pang iba.

Pauleen hindi pa buntis, super busog lang daw!

Nakabalik na siguro sina Vic Sotto at Pauleen Luna mula sa honeymoon nila sa Maldives na wedding gift ng ninong at ninang nilang sina Mr. & Mrs. Tony Tuviera. Sa nabasa naming post ni Pauleen sa Instagram (IG), last day na raw nila sa nasabing lugar.

May pinost si Pauleen na picture nila ni Vic na naka-swimsuit siya at medo malaki ang tiyan. Naging isyu ito sa iba niyang followers, na kesyo buntis daw siya at ito ang rason kung bakit nagpakasal sila ni Vic.

Sumagot si Pauleen ng “NOT PREGGY GUYS, busog lang,” at natameme ang mga basher. Sakaling preggy man si Pauleen, walang masama dahil kasal na siya.

Martin nagsimula rin sa pakontes bago naging singer

Four days to go na lang at mapapanood na sa SM MOA Arena ang Valentine’s Day concert na Ro­yals nina Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, at Regine Velasquez. Five days to go naman bago ang V-day concert nila sa Waterfront, Cebu City.

Post birthday concert pala ni Martin ang Royals dahil birthday niya last Feb. 5 at isa sa pinakamasaya niyang birthday celebration ay treat ng mga anak niyang sina Robin at Ram Nievera.

Samantala, ibinuking ni Martin ang sarili dahil ga­ling din pala siya sa singing contest gaya nina Regine, Angeline, at Erik. He was 17 years old nang sumali sa The California State Talent Competition. Siya ang nanalo sa four-day competition at siya lang ang Filipino na kasali.

Ang kaibahan lang, wala siyang napanalunang pera sa competition, trophy lang ang napanalunan niya at hindi pa nga niya alam kung nasaan na ito. After that singing competition, napili siyang back-up singer ni Barry Manilow at doon na siya nag-decide na maging singer and the rest is history.

Ang Starmedia Entertainment at IME ang producers ng concert, directed by Rowell Santiago at musical directors sina Homer Flores at Raul Mitra.

KiKe love team may chemistry!

Nakakatawa ang pangalan ng love team nina Kean Cipriano at Kiray Celis sa Love Is Blind na “KiKe” na ang ibig sabihin ay Kiray+Kean. Sila rin ang love team na walang chemistry. Pero kung pagbabatayan ang reaction ng audience sa premiere night ng Regal Entertainment movie, may chemistry ang KiKe love team.

Hindi nga kami magugulat kung sa susunod na movie ni Kiray sa Regal, ay kunin uli nina Roselle Monteverde at Mother Lily si Kean dahil marami ang nabitin sa smack at yakap scene nila sa ending ng Love Is Blind. Showing simula ngayong araw ang tiyak pag-uusapang pelikula na gawa ni Jason Paul Laxamana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with