^

PSN Showbiz

Enrique may paandar kay Liza sa Valentine’s Day

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Lunes ay magsisimula na sa Kapamilya network ang teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa Forevermore pa huling nagkatambal sa telebisyon ang dalawa noong isang taon kaya siguradong kinapapanabikan na sila ng LizQuen fans. “It feels good to be back, nakaka-miss din eh. Sa mga hindi pa naka-get over sa Forevermore, heto na po kami ulit. Coming from the success of Forevermore of course they’re going to expect na ‘yung Dolce Amore gano’n din. You can’t please everybody but try your best. ‘Yung sinasabi ko lang, basta maka-enjoy tayo, the people will see that din. So ‘pag nawala ‘yung essence ng enjoyment nila, wala na,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Noong isang buwan ay nakapag-debut na si Liza kaya nasa hustong gulang na ang dalaga at maaari nang gumawa ng kissing scenes. “Wala pa po, bata pa ‘yan. Wala pa po ‘yan, sweet love lang dito. The love story is something very innocent, very real, light lang siya. ‘Yung magaan lang,” giit ni Enrique.

Valentine’s day na sa Linggo kaya marami ang nagtatanong sa aktor kung magkakaroon ba sila ng date ni Liza. “Secret na lang baka mabuking eh,” natatawang pahayag ng binata. Opisyal na kayang magkasintahan sina Liza at Enrique ngayon? “It’s still the same. I would say it’s not like before. We deve­loped some more. We’re in a place na we’re so happy, I’m happy. You don’t really have to label anything as long as you guys are happy. So happy kami muna,” makahulugang sagot ng aktor.

Ara Mina aminadong cougar na!

May pagka-daring ang karakter ni Ara Mina sa pelikulang Nuclear Family. Makakatambal ng aktres si Martin del Rosario sa nasabing proyekto. “Parang medyo cougar na parang hindi ‘yung role ko. May mga alaga akong lalaki tapos bagets din na guy ‘yung magiging lover ko. Aalagaan ko siya, tuturuan ko siya. Meron kaming daring scenes pero hindi ko pa nabi-visualize kung paano gagawin,” bungad ni Ara.

Hindi raw dapat para sa aktres ang pelikula dahil una nang napabalitang si Snooky Serna o si Lorna Tolentino dapat ang gagawa nito. “Wala namang isyu sa akin kahit pang-ilang choice ako. Ang importante sa akin, ako ‘yung last choice,” giit ni Ara.

Mahigit isang taon na ngayon ang anak ng aktres na si Amanda kaya hindi rin daw nagdalawang-isip si Ara na muling tumanggap ng daring roles. “Hindi pa naman ito mapapanood ni Amanda. Saka ko na lang ie-explain sa kanya kapag malaki na siya. Sasabihin ko sa kanya na ang seksi ng mama mo dati kaya nakakagawa siya ng ganyang pelikula. Wala pa rin naman siya sa school kaya wala pang magtatanong sa kanya. Sa tingin ko hindi naman magiging problema ‘yon. Siyempre ginagawa ko ito para sa anak ko, para sa future niya,” paliwanag ni Ara.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with