^

PSN Showbiz

Balik-tambalan nina Andre at Yassi masusubukan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahit holiday kahapon, nagtrabaho ang mga empleyado ng Viva Films at board members ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Ni-review kahapon sa MTRCB office ang Girlfriend For Hire, ang Andre Paras-Yassi Pressman movie na showing na bukas sa mga sinehan.

Isang feel good romantic comedy movie ang Girlfriend For Hire kaya expected na puwede itong panoorin ng mga bagets at ng buong pamilya.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, hit novel sa Wattpad ang Girlfriend For Hire kaya hindi nagdalawang-isip ang Viva Films na isalin sa pelikula ang nobela na sinubaybayan ng milyun-milyong hopeless romantics.

Siyempre, sina Andre at Yassi ang one and only choice ng Viva Films para gampanan ang mga karakter nina Nami at Bryle. Excited na ang fans ng Girlfriend For Hire na  panoorin ang movie version ng kanilang favorite Watt­pad novel.

Serye nina Shy at Mark hindi apektado ng video scandal ng aktor

Positive ang mga feedback sa pilot telecast ng Tasya Fantasya noong Sabado kahit iniintriga na may video scandal si Mark Neumann, ang leading man ni Shy Carlos sa romantic comedy fantasy series ng TV5 at Viva.

Marami ang nag-abang at nanood sa pilot episode ng Tasya Fantasya dahil alam nila na magaling na artista si Shy at siyempre, curious ang televiewers kung si Mark nga ba ang sangkot sa video scandal.

I’m sure, lalong madaragdagan ang viewers ng Tasya Fantasya sa susunod na Sabado dahil sa mga positive feedback na entertaining ang show nina Shy at Mark.

Jericho Petilla type si Anne

Working holiday ang drama ko kahapon dahil dumalo ako sa presscon para kay former Energy Secretary Jericho Petilla na kumakandidatong senador sa eleksyon sa May 2016.

Iba talaga kapag personal na nakakausap ang mga kandidato dahil naipapaliwanag nila at naiintindihan ko ang kanilang mga plataporma.

Ang gaganda ng mga sinabi ni Papa Jericho tungkol sa mga gagawin niya kung sakali na mahalal siya na senador.

Totoo ang sinabi ni Papa Jericho na scared to death siya kapag nagkamali ng iboboto na pangulo ng Pilipinas ang mga Pinoy dahil magsisilayasan sa bansa natin ang mga foreign investor.

Nanonood ng Tagalog movies si Papa Jericho at ang Walang Forever ang huling pelikula na napanood niya.

Favorite actor ni Papa Jericho ang kanyang tukayo na si Jericho Rosales at sa mga artistang babae, type niya si Anne Curtis.

Naniniwala si Papa Jericho na malaki ang maitutulong ng entertainment press para maiparating sa mga kababayan natin ang kanyang mga plano para umunlad ang ating bansa.

Maraming sinabi si Papa Jericho na nagustuhan ko kaya nakumbinsi ako na karapat-dapat siya na mahalal sa senado.

Kaklase nga pala ni Papa Jericho sa high school si Senator Jinggoy Estrada. Natawa ako sa joke ni Papa Jericho na nangongopya sa kanya si Papa Jinggoy noong mga high school student sila.

Pagkatapos pakasal Hubert Webb aasikasuhin naman ang kandidatura

Ikinasal si Hubert Webb sa kanyang longtime girlfriend noong Sabado.

Ikinasal si Hubert at ang misis niya sa isang simbahan sa Parañaque City.

Nakilala ni Hubert ang kanyang asawa noong nakakulong siya sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Pagkatapos magpakasal, magiging busy na si Hubert sa pangangampanya dahil kandidato siya na konsehal sa first district ng Parañaque City. Siya ang kapalit ng kanyang kapatid na si Jason Webb na nasa last term na bilang incumbent councilor ng distrito nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with