^

PSN Showbiz

Hugot pa more ba ito? Angelica aminadong nasaktan ng grabe, pero John Lloyd mahalaga pa rin daw?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si Jennylyn Mercado pala ang bagong leading lady ni John Lloyd Cruz sa Star Cinema movie na si Cathy Garcia-Molina ang director.

Kaya lang, sa summer pa raw ang showing nito kaya matatagalan pa bago makausap ng press si John Lloyd.

Panay kasi ang pakawala ng hugot lines ni Angelica Pa­nganiban sa kanilang show na Banana Sundae at ang pinaka-latest niyang pinakawalan ay ang “Nasaktan? Tinatanong mo ako kung nasaktan ako? Oo nasasaktan ako. Pero hindi ko ‘yun sinasabi dahil hanggang ngayon, mahalaga pa rin siya sa akin. Pero ang sakit-sakit na.”

Grabe parang ang lalim ng hugot ng aktres na ob­vious na umiiwas na ma-interview dahil sa thanksgi­ving presscon ng Pangako Sa’yo ay hindi siya dumalo.

Wala kasing make up Georgina hindi nakilala sa Bora

Ibang-iba raw pala ang hitsura ni Georgina Wilson ‘pag walang make up at ‘pag fully made up.

Ayon sa isang nakakita sa kanya sa Boracay the other day, hindi raw niya ito nakilala dahil walang make up. Kailangan pa raw niyang ipagtanong kung si Georgina Wilson nga ‘yung nakita niya dahil parang iba nga ang hitsura. Hindi raw pala ito maganda pag walang ayos at walang kolorete sa mukha.

“Parang diyosa kasi siya ‘pag nakikita ko sa TV at sa mga social media accounts niya. Kaya nalungkot ako na iba pala ang hitsura niya in person,” sabi ng isang bakasyunista rin sa Bora.

Kung sabagay, kahit ‘pag may nakakakita sa kanya sa Rockwell area, hindi rin siya nakikilala kasi nga raw iba ang mukha niya ‘pag walang make up.

Lani gaya-gaya raw sa bangs ni Regine

Inaakusan ng panggagaya si Lani Misalucha ng ilang mga maka-Regine Velasquez. Panggagaya ng bangs.

May bangs na rin daw kasi ngayon si Lani na parang si Regine.

Kung sabagay, si Regine naman talaga ang unang nagka-bangs dahil nang mag-presscon siya para sa concert nilang Royals (with Martin Nievera, Angeline Quinto, and Erik Santos), very prominent na ang bangs niya at sinabi pa niyang ganun ang favorite hairstyle niya.

Pero lately ay nakikita na rin si Lani na same hairstyle with Regine na ikina-react ng ibang fans ni Regine.

Well, kung affected ang fans niya, I’m sure si Regine ay hindi dahil kaibigan naman si Lani at no big deal sa kanya ang mga ganyan dahil hindi lang naman siya ang naka-bangs.

Kidding aside, aminado ang Asia’s Songbird na nagkakaroon siya ng apprehension sa tuwing magkaka-concert siya may kasama man o wala. Iba na raw kasi ang energy niya ngayon kumpara noong panahong bata-bata pa siya na kahit ano’ng ibigay sa kanyang piyesa ay binabanatan ng kanta. Pero hindi naman daw ibig sabihin nun ay insecure na siya kaya may takot siya tuwing magko-concert. Ayon kay Regine, nagiging realistic lang siya ngayong iba na ang edad niya.
Marami na rin daw siyang iniiwasang pagkain bago ang concert like ito ngang Royals na gaganapin sa Sabado, February 13, MOA Arena at on Sunday, mismong Valentine’s Day, sa Waterfront Cebu.

Angeline minamani lang ang pag-iyak

Nagiging habit na ni Angeline Quinto ang umiyak tuwing makakasama si Regine Velasquez na dati niyang sinasamba noong kanyang kabataan at hindi pa nagiging singer.

Kahapon sa presscon ng Royals, naiyak na naman si Angeline sa sobrang pasasalamat na magkakaroon siya ng pagkakataon na makasama sa isang big concert ang kanyang iconic singer na idolo na si Regine kaya umaapaw ang kanyang happiness at pasasalamat na nagpapaiyak talaga sa kanya. “Ang dami ko pong kailangang aralin dahil sa aming apat ako ang pinakabago,” pahayag ni Angeline sa presscon kahapon.

Kaya nga kahit daw sa rehearsal nila ngayon, hindi pa tumutodo si Angeline at maging si Erik dahil nakakaramdam pa sila ng shyness ni Erik na makakasama nila sa isang stage ang kanilang mga dating iniidolo lang. Pero alam nina Martin at Regine na makikipagsabayan ang dalawa sa kanila sa actual concert.

First time nina Martin, Erik, Angeline, and Regine na magsama-sama sa concert kaya inaasahang kakaiba ito sa mga Valentine concert na kasabayan.

                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with