^

PSN Showbiz

Napagod bilang Amor Powers Jodi magbabakasyon sa Holy Land

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasama rin sa serye sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na isa rin sa mga kinakikiligang tambalan sa ngayon.

Malaki ang pasasalamat si Jodi dahil naging bahagi siya ng proyektong ito. “Well, I am very thankful that Pangako Sa ‘Yo happened. I just realized that time flies so fast. It’s one great journey, it’s a good experience. I will never forget this,” bungad ni Jodi.

Aminado ang aktres na nahirapan siya sa pagganap bilang si Amor Powers. “Hindi madaling gawin si Amor Powers. I must say na isa ‘to sa pinaka-challenging na roles na nagawa ko sa aking career. Ang dami niyang layers, ang daming nangyayari sa buhay niya, sa journey niya bilang tao, bilang ina. Nahirapan talaga ako pero fulfilling naman na nagagawa mo nang maayos ang isang eksena,” paliwanag ni Jodi.

Magbabakasyon daw muna ang aktres pagkatapos ng kanilang serye. “In March, I am going to Israel with a group of friends. So we’re going on a Holy Land tour so very excited ako do’n, bagong experience naman. I’ve been to Israel five years ago but this time I know it’s going to be different. It’s going to be life changing for me. I am looking forward to learning more about the land of Jesus, to be able to walk again do’n sa mga nilakaran niya, pinuntahan niya,” pagbabahagi ng aktres.

Enrique at Liza magkaiba ng ?atake sa mga ginagawa

Sa February 15 ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ng tambalang LizQuen ang lahat ng eksenang mayroon sila sa bagong serye.

Malaking bagay daw para kay Enrique ang pagkakaroon nila ng chemistry ng aktres sa lahat ng kanilang ginagawa. “I think the secret to having chemistry is having not trying to have chemistry. It just comes naturally. I didn’t have to think about it, just enjoy. It’s hard not to be hard on yourself. The more you think about it, halatang you’re trying hard. Just believe in yourself and enjoy, and people will see that,” paliwanag ni Enrique.

Nakakadalawang taon pa lamang si Liza sa show business kaya ibang-iba raw ang pananaw niya kumpara sa aktor lalo na kapag nakararamdam ng pressure ang dalaga. “Pagdating sa pressure ako kabaligtaran ni Quen. I tend to over think. Ako ‘yung talagang hard on myself,” pagtatapat ni Liza.

Mas pinagbubuti na lamang ng dalaga ang trabaho ngayon upang mas maging masaya ang mga manonood. “I want every show to have something different and to be able to show that I am capable of giving something else, offering something else to the audience. And I just want that the management can also see more potential in me and that I can do other things,” giit pa niya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with