^

PSN Showbiz

Aktres na laging api-apihan ang role, grabe kung i-bully ang ina!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madaya ang telebisyon. Hindi lahat ng nakikita ng manonood sa maliit na kahon ay totoo. Madaya rin ang pelikula. Hindi lahat ng ginagawa ng personalidad sa malaking katsang telon ay ‘yun din ang kanyang ginagawa sa likod ng mga camera.

‘Yun ang pinagpipistahang paksa sa isang umpukan ng mga taga-showbiz isang gabing napakalakas ng ulan. Ang mga artistang akala mo hindi makabasag-pinggan sa harap ng mga camera pero sa talikuran naman pala ay parang mababangis na tigre ang ugali.

Kuwento ng isang source, “Tulad ni ____(pa­ngalan ng isang aktres na palaging nakakaawa ang mga ginagampanang papel sa TV), nagulantang kaming magkakasama nu’ng minsan dahil sa ginawa niya sa mommy niya!

“May continuity pa kasi ang eksenang ginawa niya nu’ng previous taping, pero naiwanan ng mommy niya ang damit sa house nila. E, malayo ang location nila, natural, namroblema ang production.

“Pinabalikan na lang ang damit niya, pero habang hinihintay nila ang naiwanang damit, panay-panay ang pagkompronta niya sa mommy niya. Porke ba kumikita na siya, e, puwede na niyang sabihan ng tanga ang mommy niya?

“Grabe ang bibig ng babaeng ‘yun, dapat siyang magmumog ng asido, bastos ang artistang ‘yun!” madiing kuwento ng impormante.

Ang katarayan naman ng isang young actress ang baon ng isang miron sa umpukan, “Nakakaawa ang PA ng batang ‘yun. Masungit siya, may kabastusan ang bibig, palautos at maldita!

“Kain siya nang kain samantalang nagugutom na ang PA niya. Wala siyang pakialam sa bituka ng ibang tao, makasarili ang babaeng ‘yun! Maaabot na lang niya, e, iuutos pa sa alalay niya. Ano siya, reyna, e, hindi pa nga siya maituturing na prinsesa?

“Ang nakapagtataka, e, kain siya nang kain, pero ang nipis-nipis naman ng katawan niya? Parang isang ihip mo lang, e, babagsak na siya, para siyang tingting sa kapayatan!” hirit pa ng aming source.

Ubos!

Kahit wala nang tulog, Jose at Wally bigay-todo pa rin sa mga raket

Panahon talaga ngayon ng pinakasikat na tambalang Jose Manalo-Wally Bayola. Nakalulula ang kanilang kalendaryo kung titingnan mo. Halos wala na silang pahinga at tulog, sunud-sunod ang kanilang trabaho, kung minsan nga ay nagkakapatung-patong pa.

Pero totoong-totoo na kapag mahal mo ang ginagawa mo, lahat ay parang laro na lang, hindi ka nagsasawa sa rutina dahil nandu’n din ang puso mo.

Kagabi lang ay dinala namin sina Jose at Wally sa Pandi, Bulacan. Isang live concert ‘yun na handog bilang pasasalamat ni Mayor Enrico Roque sa kanyang mga kababayan.

Pagkatapos ng Eat…Bulaga ay nag-rehearse pa sila para sa Sunday PinaSaya na hitik sa kanilang pagkokomedya, pagkatapos ng show nila sa Pandi ay dumiretso pa sila sa Zirkoh para sa kanilang primetime show, apat na oras na tulog lang at kailangan na nilang mag-report para sa Sunday PinaSaya ngayong tanghali.

Pero wala sa kanilang bokabularyo ang pagkabagot, bigay-todo sila sa paso-show, ‘yun ang malaking kaibahan kapag mahal na mahal ng mga personalidad ang kanilang propesyon.

Sabi ni Jose Manalo, “Kami pa ba naman ang magiging choosy? Napakaraming artistang walang masyadong projects ngayon, samantalang kami, wala na halos pahinga? Ipinagpapasalamat namin ni Wally ang mga grasyang dumarating sa amin.

“Pagod kami kung sa pagod, pero kapag nakikita na namin ang audience na masayang-masaya, ‘yun ang gamot namin, para kaming sinasaksakan ng dextrose, ‘yun ang inspirasyon namin.

“Wala nang hihigit pa sa nakikita mong aliw na aliw ang manonood sa pagkokomedya mo, bukod sa alam mong tanggap ka nila, e, nakatutulong din kami ni Wally na kahit panandalian lang, e, nakakalimutan nila ang mga dinadala nilang problema at stress,” pahayag pa ng numero unong komedyante ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with