^

PSN Showbiz

Daniel naba-bad trip pag nakikitang malungkot si Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kung ano mang relasyon mayroon sila sa ngayon. “Kami ni Kathryn para sa akin is bigayan kami. Like sa akin, ‘pag ako nasa set at ‘pag nakikita kong hindi masaya si Kathryn, bad trip na ako no’n, gano’n. ‘Pag ako nasa set at nakikita kong okay siya sa set, kayang-kaya kong mag-taping hanggang kinabukasan. Alam mo ‘yung feeling na gano’n,” makahulugang pahayag ni Daniel.

Opisyal na kayang magkasintahan ang dalawa ngayon? “Huwag muna, sorry,” maikling sagot ng aktor.

Sa paglipas ng mga taon ay lalo raw naging malapit sa isa’t isa sina Kathryn at Daniel. “Ever since naman si Tita Karla (Estrada), ‘yung family ni DJ (Daniel), pati sina mama sumasama sa akin sa taping parati. So parang naging anak na rin talaga ni mama si DJ. ‘Yung parang pinagsasabihan siya kapag may ginagawa si DJ. So parang naging close na kasi si mama lalo si DJ, naging anak na niya. Sina mama naman, Tita Karla, sinasabi naman na, ‘Hindi naman importante na kayo ngayon basta i-enjoy n’yo lang and bata pa kayo pareho.’ Basta ang importante alam naming i-balance kung hanggang saan, kung ano ‘yung limitations namin,” nakangiting pahayag naman ni Kathryn.

Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan ng tambalang KathNiel. Magpapakasal kaya sina Yna at Angelo na mga karakter nina Kathryn at Daniel sa serye at paano nila ito gusto mangyari? “Gusto kong wedding mga 30 lang kaming tao sa isang island tapos beach. Tapos simple lang lahat, casual tapos gusto ko private,” pagbabahagi ni Daniel. “Simbahan ako tapos lahat ng supporters ko nasa labas. So ‘pag kinasal ako, at least kasama sila do’n sa kasal, parte sila,” pagtatapos naman ni Kathryn.

Ginu-google pa Cherie Gil walang kaalam-alam na sikat si Liza!

Sa February 15 ay magsisimula na sa Kapamilya network ang teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Kasama rin sa bagong soap opera si Cherie Gil na nakatrabaho na ni Enrique noong 2013 sa seryeng Muling Buksan ang Puso.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ng beteranang aktres si Liza. “It was a fresh thing to me. Forgive me but I’ve never in fact heard about Liza. So I told her straight away, ‘I had to google you and you look astoundingly beautiful!’ I didn’t realize how sikat na pala siya dito. Now I know,” natatawang pahayag ni Cherie.

Kasama ring lumipad ang aktres papuntang Italy kamakailan upang kunan ang ilang eksena doon. “We had a lot of fun and in 7 days we shot in Italy many scenes. I have to say, Liza worked very, very hard with the Italian language. I told her she was doing fine. She spoke it very, very well. In fact, we’d wake up early in the morning at 5 just to drive to the set and in the bus we’d practicing it over and over. Masipag si Liza,” kwento pa ni Cherie.

Ina ni Liza ang karakter ng aktres sa bagong serye. Kasama rin dito sina Matteo Guidicelli, Kean Ci­priano,  Rio Locsin, Edgar Mortiz at Sunshine Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with