^

PSN Showbiz

Kuwento ng pananampalataya ng mga deboto ng Nazareno, tampok sa Tapatan ni Tunying

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuwing Enero, libu-libong Pilipino ang dumadagsa sa prusisyon ng Itim na Nazareno ng Quiapo para lang mahaplos ang santo at magdasal para sa isang milagro.

Ngunit sa Patrol ng Pilipino mamaya kikilalanin ni Anthony Taberna ang mga deboto ng Nazareno na namamanata para magpasalamat sa mga milagrong natanggap na nila.

Kilalanin ang 72-anyos na si Zony Ramos na ilang beses nang sinubok ang pananampalataya nang ma-diagnose ng cervical cancer at dati’y nabigyan ang buhay ng taning na tatlong buwan ng doktor.

Gaya ni Zony, halos mawalan na rin ng pag-asa si Evelyn Davis nang isilang niya ang isang premature baby na halos wala nang pag-asang mabuhay. Ngunit nakatanggap siya ng himala matapos maglakad nang nakaluhod sa Quiapo Church sa loob ng siyam na araw.

“Nagulat po ‘yung doktor.  ‘Anong ginawa mo?’ Sabi ko, ‘Wala po, sabi niyo lumapit ako sa Panginoon kaya ginawa ko. Bakit po anong nangyari?’ ‘Maniwala ka, ang anak mo kumpleto na ang baga,” paglalahad ni Evelyn sa sinabi ng doctor sa kanya.

Subaybayan ang Tapatan Ni Tunying mamayang gabi, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTHONY TABERNA

EVELYN DAVIS

NAZARENO

NGUNIT

PILIPINO

QUIAPO CHURCH

TAPATAN NI TUNYING

TUWING ENERO

ZONY RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with