^

PSN Showbiz

Andre mas matulis pa kay Kobe!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maraming Pinay ang siguradong disappointed na malaman na taken na pala ang younger brother ni Andre Paras na si Kobe Paras na nakuhang manlalaro ng UCLA Bruins ng University of California.

Ang kanya namang girlfriend na si Gabrielle Current ay bahagi ng 2014 126th Tournament of Roses Parade bilang isang Royal Court Princess.

Naunahan pa ni Kobe ang big brother niyang si Andre na dala-dalawa ang ka-loveteam, pero hanggang sa screen lamang ito.

In real life, single pa ang panganay ni Benjie Paras kaya girls kalimutan n’yo na ang kapatid niya at mag-concentrate na lamang kayo kay Andre. Yummy din naman siya, nakakapaglaro ng basketball tulad ni Kobe.

KC hindi makayang i-give up ang showbiz

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa New York bilang ambassador ng UN World Food Prog­ramme, ayaw talikuran ni KC Concepcion ang kanyang pagiging artista. Pinakahuling nakita siya nang mag-host ng Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 kasama si Richard Gutierrez.

Bukod sa kanyang trabaho, dalawa sa pinakamagandang pangyayari sa kanyang buhay nga­yong 2015 ay ang pakikipagbati niya sa dalawa niyang exes na sina Piolo Pascual at Paulo Avelino. At kahit may parinigan pa na nagaganap sa pagitan nila ng inang si Sharon Cuneta, ang gap sa pagitan nila ay umikli na.

May mga offer siya na pinag-aaralan pa at habang wala pa siyang napipili, gusto muna niya ng buhay sa labas ng showbiz.

Katiwalian umano sa MMFF madidiskubre na?!

Hindi lamang ang diskwalipikasyon ng Honor Thy Father ang inaasahang makaklaro sa gagawing imbestigasyon ng Kongreso kundi ang marami pang katiwalian na nagaganap sa ?MMFF.

Marami ang natuwa dahil nagsilbing mitsa ang HTF para maayos ang gulo na nagsimula nang si­rain ang napakalaking kaganapan sa Pasko na sa halip na makatulong para maibangon ang industriya ng pelikula ay lalo lamang pumapatay dito.

Vice inaabangan ang sasabihin sa kontrobersiya sa MMFF

Kailan kaya ang balik ni Vice Ganda? Naghihintay na ang marami sa reaksyon niya sa kaganapan sa MMFF at ang bintang na ticket swapping na pabor sa pelikula niya. Pinakahihintay din ng marami ang pagbibigay ng mukha at pangalan sa mga posibleng may kinalaman sa anomalyang nagaganap sa MMFF.

Dapat ay makilala sila at hindi ‘yung nagtatago lang sila sa pangalan ng MMFF. Ilantad na sila nang magkaalaman na!

vuukle comment

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

BENJIE PARAS

GABRIELLE CURRENT

HONOR THY FATHER

KOBE

KOBE PARAS

MARAMING PINAY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with