^

PSN Showbiz

Julie Anne iwas na iwas kay Alden!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sana naman, after mag-post ni direk Rick Ilustre sa Instagram (IG) ng “Chill” at “Paulit-ulit tayo. Julie (Anne San Jose) and Alden (Richards) are both part of the SPS (Sunday PinaSaya) family. We all rehearse TOGETHER twice a week and they are ok. We have fun, we laugh, we eat together. We can’t control what people say about them but we will stand by and stick up for one another. So pls. STOP THE HATE,” wala nang maging isyu sa show every Sunday.

Ginawa ni direk Rich ang paglilinaw na ito after last Sunday, kung saan ginawang big issue ng ilang fans ang pag-iwas daw ni Julie Anne kay Alden nang sunud-sunod silang tawagin nito sa opening ng show. Hindi kasi lumapit si Julie Anne kay Alden at sa halip ay dumiretso sa stage.

May nag-isip na bitter pa rin si Julie Anne sa nangyari sa kanila ni Alden at hindi pa ito ready na maging friends sila.

Pero sa sinabi ni direk Rich na magkasamang nagre-rehearse sina Julie at Alden, may mga natataranta na namang ilang AlDub fans na ayaw na ayaw magkasama ang dalawa. May ilan pa ngang nag-suggest na umalis na lang sa SPS si Julie Anne para raw matigil na lang ang gulo.

Bakit naman aalis si Julie Anne, eh kinuha siya ng APT Entertainment at GMA 7 dahil alam na makakatulong siya sa show. May nag-suggest pang lumipat na lang sa ABS-CBN ni Julie Anne.

Alam ito ni direk Rich, kaya nag-post siya uli ng “AlDub fans are possessive. Thats just how they are. We at SPS respect Alden and Maine’s love team.”

Pakikipag-tikiman ni Rafael sa iba minasama ng gf

Single and loveless si Rafael Rosell after nilang mag-break ng ex-GF niyang model na si Oli­via Medina. Kuwento ng aktor sa presscon ng Because Of You, ang different political views at mga kissing scene niya sa mga leading lady ang dalawa sa mga rason ng kanilang break-up.

Hindi maintindihan ng ex niya kung bakit may kissing scenes siya sa movie at TV at hirap siyang i-explain ito. Na-curious tuloy kami kung sino ang pinagselosan ng ex. Ang maganda, they remained friends kaya may pictures pa ang ex nito sa kanyang IG account.

After ng heartbreak, hindi muna naghahanap ng GF si Rafael at naka-focus muna siya sa career niya, lalo’t bago pa lang umeere ang Because Of You.

Papalit na Darna kay Angel, hindi pa rin mahanap

Nakasabay naming maglakad sa Tomas Morato si director Erik Matti at kinumusta namin kung may napili na siyang papalit kay Angel Locsin na magbibida sa Darna. “Wala pa” ang sagot ni direk Erik.

Aware siya sa request ng fans na hintayin niya na gumaling si Angel, pero ang Star Cinema ang magdedesisyon tungkol dito. May mga pangalan ng aktres na binabanggit para pumalit kay Angel, gaya nina Jessy Mendiola, Maja Salvador, Liza Soberano, Sarah Lahbati, Nadine Lustre, at KC Concepcion.

Hindi nag-comment si direk Erik kung sino sa mga binanggit ang mas may chance na mag-Darna. Ang sabi lang nito, dapat matangkad at may boobs ang babagay na mag-Darna.

Dahil mukhang matatagalan pa ang Darna, sa MMFF entry ng Reality Films na Honor Thy Father na bida si John Lloyd Cruz ito nakatutok.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN AND MAINE

ANG

ANGEL LOCSIN

ANNE

ANNE SAN JOSE

BECAUSE OF YOU

DARNA

JULIE

JULIE ANNE

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with