^

PSN Showbiz

Dyowa ni Andi magaling magtago!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong araw na ang showing ng Angela Markado na itinuturing ni Andi Eigenmann na isa sa pinakamahirap at pinaka-daring niyang pelikula.

Sa premiere night na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi, hinanap ng mga reporter ang napabalitang non-showbiz boyfriend ni Andi pero hindi nila ito nakita. Hindi lang daw nila alam kung nandun ito dahil hindi naman ito kasama ng young actress nang rumampa siya sa red carpet.

Basta ang sabi lang ni Andi, inspired daw siya ngayon at malaking bagay daw ang nagagawa nitong non-showbiz guy para mapasaya ang araw niya.

PAK: Nasa Europe na si Lovi Poe para tuparin ang matagal nang promise niya sa kanyang Mommy na treat sa kanyang kaarawan.

Umalis si Lovi pagkatapos ng cast party nila sa Beautiful Strangers kung saan may picture pa silang magkasama ni Rocco Nacino.

Ayon sa aming source, hanggang picture lang daw ang dalawa na magkasama, pero hindi talaga sila nag-uusap sa party.

Ayaw lang kumpirmahin ng aming source, pero tila break na nga talaga sina Lovi at Rocco. Ayaw lang nilang mapag-usapan pa kaya wala silang sagot kapag tinatanong ng mga reporter.

Si Lovi naman ay sa pamilya raw niya ang focus sa ngayon, at touched na touched nga ang Mommy niya sa biyahe nila sa Europe.

Sabi naman ng manager ni Lovi na si Leo Dominguez, ang pagkakaalam daw niya ay nagku-concentrate ang dalawa sa kani-kanilang career.

BOOM: Wala pa munang ibinibigay na pahayag ang kampo ni Angelica Yap o mas kilala bilang Pastillas Girl kaugnay sa kasong pagpaslang sa kanyang inang si Teresa Yap nung nakaraang Linggo ng gabi.

Iniimbestigahan pa raw muna ito sa ngayon, pero tila may ideya na raw sila kung sino ang may kagagawan nito. Ipinapaubaya daw muna nila ang krimen sa mga nag-imbestiga.

Bukod daw sa CCTV na lumabas sa news, may ilang kopya pa ng CCTV f­ootage ang nakuha nila sa ilang kapitbahay kung saan maaring nakunan ang mukha ng salarin.

Inalalayan daw nila si Angelica ngayon dahil sobrang apektado ito sa maagang pagpanaw ng kanyang ina.

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

ANGELICA YAP

AYAW

BEAUTIFUL STRANGERS

DAW

LEO DOMINGUEZ

LOVI

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with