^

PSN Showbiz

Barbie na-dehydrate sa kaiiyak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Na-blind item si Barbie Forteza na pinigilan si Alden Richards na lumapit sa kanya dahil natakot na ma-bash ng fans nila ni Maine Mendoza. Hindi itinanggi ni Barbie ang tungkol doon nang makausap namin sa taping ng The Half Sisters, pero bago siya ma-bash ng AlDub Nation, gusto nitong sabihing nagbibiro lang siya at biniro lang niya si Alden.

Natawa raw sa kanya si Alden at itinuloy pa rin ang paglapit sa kanya para bumati na nangyari sa Sunday PinaSaya. 

Samantala, masaya si Barbie sa patuloy na tagumpay ng The Half Sisters na sa ngayon si Gina Alajar na ang director.

Ini-enjoy ni Barbie ang The Half Sisters habang airing pa dahil hindi niya alam kung ka­sing heavy ang next soap niya. Ang prob­lema lang niya, nade-dehydrate siya dahil iyak nang iyak ang kanyang karakter.

Janine may ‘ipinalit’ agad kay Elmo

Kung si Elmo Magalona ay may Janella Salvador na ka-love team sa unang soap na gagawin sa ABS-CBN, may nadagdag na bagong kapareha si Janine Gutierrez. Kung sa Dangwa, sina Mark Herras at Aljur Abrenica ang love interest niya, sa 2016 Cinemalaya entry na Dangsin, si Benjamin Alves naman ang kapareha.

Malalaman natin sa presscon ng Buy Now Die Later kung si Rayver Cruz ang partner niya. First movie ito ni Janine at entry pa sa Metro Manila Film Festival (MMFF), kaya sobra siyang excited.

Polo iniwan ng gf nang mawalan ng raket

Showing ang Angela Markado bukas  sa 300 theaters nationwide. Kasama sa cast si Polo Ravales bilang isa sa limang rapists. Bagay kay Polo ang role niyang isang tattoo artist sa movie ni director Carlo J. Caparas dahil puno ng tattoo ang kanyang katawan. Art daw ang tattoo, kaya hindi na nakipagtalo ang press people na nagpayo sa kanyang ‘wag nang dagdagan pa ang mga ito.

Sabi ni Polo, siya ang unang lalabas sa pelikula at para hindi niya magaya ang aktor na gumanap sa kanyang role sa original movie, hindi niya pinanood ang Angela Markado ni director Lino Brocka.

Single si Polo ngayon dahil iniwan daw siya ng ex-GF niya noong wala siyang trabaho sa TV at mo­vies. Iniyakan niya ang pag-iwan sa kanya ng girlash at dumagdag ‘yun nang maoperahan siya, kaya wala talaga siyang pera.

Mabuti at kinuha siya ni direk Carlo at ng Oro de Siete Films sa Angela Markado at may meeting siya sa GMA Films for a TV project.

GMA films nagpo-produce na uli

Co-producer pala ang GMA Films ng APT Entertainment, M-Zet Television, OctoArts Films, at Meda Production sa My Bebe Love: Kilig Pa More. Tampok sa pelikula ang tambalan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas at Alden Richards at Maine Mendoza.

Ibig bang sabihin, tuluy-tuloy na ang pagpoprod­yus ng GMA? Dapat lang talaga maging active uli ang GMA Films sa film production kahit makikipag-co produce sila dahil marami silang talents na kaila­ngan ng exposure sa pelikula.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANG

ANGELA MARKADO

BARBIE

HALF SISTERS

MAINE MENDOZA

NBSP

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with