^

PSN Showbiz

Isinumpa na ang paghuhubad: Dating bold star mas piniling magtinda ng kung anu-ano!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang dating sexy star ang patuloy na nakikipaglaban sa buhay para sa kanyang mga anak. Hindi siya nagpapatalo sa mga paghamon, sa bawat pagbagsak ay pinipilit niyang bumangon, ganu’n nga katapang ang babaeng ito na dati’y pinagpipistahan ng mga kalalakihan ang kahubaran sa harap ng mga camera.

Napakarami na niyang pinagdaanan na napagtagumpayan niya naman, pinakamatindi sa lahat ang pagkakaraoon ng anak sa mga lalaking pinagkatiwalaan niya, pero sa hiwalayan din ‘yun nauuwi.

Madalas siyang makita ngayon sa mga girlie bar, pero hindi siya sumasayaw, tanggap na niya ang katotohanan na tapos na ang maliligaya niyang araw.

Kuwento ng aming source, “Marami siyang clients sa mga pinupuntahan niyang girlie bar, napakasipag kasi niya, marami siyang ibinebentang produkto sa mga performers. Meron siyang ibinebentang mga damit, make-up, pati nga mga detergents, meron siya.

“Kahit ano, basta legal at parehas, ibinebenta niya. Kilalang-kilala na siya sa mga bar, ate ang tawag sa kanya ng mga sumasayaw, kasi nga, nagpapahulugan siya ng mga produkto.

“Lahat ng ‘yun, e, ginagawa ni ____(pangalan ng dating kilalang boldstar) para sa mga anak niya. Nag-aaral silang lahat, mag-isa lang siyang sumusuporta sa mga bata.

“Sana nga, lahat ng mga artistang hindi na active, e, gumaya sa kanya. Bakit, krimen ba ang magbenta ng kung anu-anong products? Ganu’n ang ginagawa niya ngayon, nakapagpatapos siya ng college dahil sa pagiging masipag niya,” kuwento ng aming source.

Maganda at makinis pa rin ang dating boldstar, nand’yan pa rin ang kanyang kagandahan na naging bahagi ng mga basang panaginip ng mga kalalakihan, marami pa ring nakakakilala sa kanya.

“Ayaw na niyang mag-artista, marami rin kasing producers ang nagsamantala sa paghuhubad niya sa pelikula,” pahabol ng aming impormante.

Ubos!

Pina-pattern sa binabasang libro, Kris baril nang baril para laging pag-usapan

Ayon sa kausap naming propesor ay isinapuso na talaga ni Kris Aquino ang mga sinasabi sa librong 48 Laws Of Power ni Robert Greene.

Maganda lang kasing basahin ‘yun at kapulutan ng aral, pero kapag isinapuso mo na ay hindi kagandahan ang resulta, dahil marami ka nang matatapakan.

Sabi ni prop, “Ang unang-una niyang ninamnam sa book, e, ‘yung pagme-maintain ng ingay ng career at buhay niya. Ang sabi kasi sa book, kahit anong paraan, puwede mong gawin, para nasa gitna ka palagi ng laban.

“You should always be in the middle of the stage, pinag-uusapan, pinagpipiyestahan, kahit pa kahihiyan na ang maging resulta nu’n. Mukhang ‘yun ang ginagawa ni Kris kaya hindi siya nawawala sa center of the stage,” makabuluhang komento ng kausap naming propesor.

Sa pinakahuling isyung pinaputok ni Kris ay pagkapahiya ang kanyang inabot. Hindi sumagot kahit minsan si James Yap sa kanyang mga patutsada pero meron naman palang hawak na ebidensiya ang ama ni Bimby sa pag-aalburoto ni Kris.

Nasa phone pa ng basketball superstar ang text nito, pero ayon sa aktres-TV host ay hindi raw niya natanggap, kaya reaksiyon ng netizens ay gagawin ni Kris ang lahat para makalusot lang sa kanyang kahitaran.

Sino nga ba naman kasi ang maniniwala na mababang klase ang ginagamit na telepono ni Kris, siyempre’y high end ang kanyang phone, pero technical problem pa ang idinadahilan niya ngayon.

Pahabol pa ni prop, “Sana, piliin naman ni Kris ang mga giyerang pinapasok niya. Loose cannon na kasi ang mga ginagawa niya. Baril lang siya nang baril nang walang direksiyon!”

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

JAMES YAP

KRIS

KRIS AQUINO

LAWS OF POWER

MAGANDA

MGA

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with