^

PSN Showbiz

Kasal ni AiAi suportado ng anak!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi itinatanggi ni Derrick Monasterio na malapit na siyang ma-develop kay Bea Binene dahil sa closeness nila sa taping ng Vampire ang Daddy Ko.

Niligawan na nga raw niya ito noon pa, pero nabasted lang siya at napunta si Bea kay Jake Vargas. Ngayon ay ayaw daw niya magpa-pressure pero kung sakaling magkadebelopan silang dalawa ay okay lang.

Sa sobrang closeness nila ni Bea, inaasahan daw niyang siya ang last dance nung nakaraang debut pero sa huli, si Alden Richards pala. Kaya sinabi raw niya talaga kay Bea na na-hurt siya.

Sa ngayon ay alam niyang naka-focus si Bea sa kanyang career, at siya rin naman ay kailangan ding mag-focus lalo na’t malapit nang i-launch ang album niya sa GMA Records.

PAK: Proud na proud si AiAi delas Alas sa sipag ng mga anak niya.

Natutuwa siya sa panganay niyang anak na si Sancho na nakapagbukas ng isang bar sa Pasig.

Feeling kasi ni AiAi, hindi siya ganun ka-succesful sa food business dahil ilang beses na rin siyang nakapagbukas ng mga kainan at hindi ito gaanong nag-succeed. Tingin niya, mas masuwerte rito si Sancho.

Nung kamakalawa lang ay pormal nang binuksan ang bar ni Sancho na Skinita Street Foodz, kung saan ka-partner niya rito ang mga barkada niya sa La Salle.

Doon, nagpasala­mat si Sancho sa kanyang ina na sinuportahan nang husto ang kanyang bagong business.

Ang dream lang ni Sancho para sa kanyang ina ay ma­tuloy ang matagal nang pa­nga­rap na magpa­kasal. Na­ging kaibigan na rin ni Sancho ang non-showbiz boyfriend ni AiAi na si Gerald Sibayan, kaya sana ito na raw ang lalaking mapakasalan ng kanyang Mommy.

“Isa ‘yun sa ultimate dreams ni Mama. Kaya ibigay ko na sa kanya. Kung ikakasal siya, susuporta­han ko siya,” pahayag ng panganay na anak ni AiAi.

Okay lang din sa kanya na mauna ang Mommy niyang magpakasal, dahil wala pa raw siyang pla­nong magpakasal ng kanyang non-showbiz girlfriend.

BOOM: Sure na sure si Ken Chan na hindi siya maimpluwensyahan ng karakter sa Destiny Rose.

“Sure naman po ako sa gender ko,” pakli nito. Pero naniniwala raw siyang lahat na lalaki ay meron talagang feminine side.

“Lahat tayo na lalaki meron pa ring feminine side. Kahit ang babae din ganun. Kahit gaano pa ‘yan ka­kikay o kaano, may masculine pa rin side ‘yan,” sabi pa nito.

Kaya kahit parang girl na talaga ang kilos niya, natitiyak daw niyang hindi siya magiging bading.

Alam daw niyang merong ibang plano ang GMA 7 sa kanya, parang type daw niyang mapasali sa Encantadia.

“Parang gusto kong maging Amihan, gusto n’yo po ‘yun tito,” natatawa niyang biro sa amin.

Mukhang tuluy na tuloy na ang remake ng Encantadia kaya parang type raw niyang mag-bida sa naturang fantaserye at tingin daw niya mas bagay sa kanya ang maging Amihan na dating ginagampanan ni Iza Calzado.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

AMIHAN

ANG

BEA

BEA BINENE

KAYA

NIYA

NIYANG

SHY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with