^

PSN Showbiz

Marian masayang nagbi-breastfeed

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang sinasabik nina Dingdong at Marian Dantes ang publiko at maging ang kanilang mga tagahanga sa hitsura ni Baby Z.

Sa Enero nakatakdang binyagan si Baby Z na pinaghahandaan na ngayon ng mag-asawa.

Bini-breastfeed ni Marian si Baby Z at si Dingdong naman ay marunong na ring magpalit ng pampers ng kanyang Little Princess.

Kasalukuyang nasa Paris si Dingdong para dumalo sa isang summit pero pagkatapos nito ay balik siya agad ng Pilipinas para makasama ang kanyang mag-ina.

Derrick hindi pa sure kung susubok uli sa panliligaw kay Bea

Sa isang panayam ay inamin ni Derrick Monasterio na niligawan umano niya si Bea Benine bago pa man sila naging mag-on ni Jake Vargas. Ayon kay Derrick, na-udlot lamang umano ang kanyang panliligaw sa teen star na si Bea dahil mas nag-enjoy sila bilang magkaibigan.

Ngayong libre na muli si Bea, liligawan ba muli ni Derrick at young actress?

“Hindi ko pa rin masabi pero puwede po dahil very close talaga kami ni Bea pati si Kristoffer Martin,” pag-amin ni Derrick na umamin ding crush si Maine “Yaya Dub” Mendoza.

Bukod sa weekly sitcom na Vampire and Daddy Ko, magtatambal sina Bea at Derrick sa isang teleserye  ng GMA na mapapanood sa pagpasok ng 2016.

Bryan White naniniwalang may relasyon na rin sina Alden at Maine!

Ultimo ang American singer na nagpasikat ng awiting God Gave Me You na si Bryan White ay naniniwala na may “something” na umano sina Alden Richards at Maine Mendoza. Natutuwa si Bryan kina Alden at Maine at pinasalamatan niya ang AlDub at AlDub Nation dahil sila ang dahilan kung bakit muling sumikat ang kanyang 1999 hit song.

Si Bryan ay may major concert sa Big Dome (Araneta Coliseum) ngayong December 1.

Kapag napuno ni Bryan ang Big Dome, utang na loob niya sa Kalyeserye ng Eat Bulaga at maging kina Alden at Maine at sa AlDub Nation ang tagumpay ng kanyang concert.

Alonzo first honor kahit tambak ang trabaho

Sa kabila ng pagiging abala ng bagong Child Wonder na si Alonzo Muhlach sa kanyang showbiz career, hindi nito napapabayaan ang kanyang pag-aaral sa La Salle Greenhills kung saan ay nasa Kinder-A siya.

Sa second quarter ng school year ay naka-1st honor si Alonzo kaya tuwang-tuwa ang kanyang pa­rents na sina Niño Muhlach at Abby Tupaz at maging ang lolo ni Alonzo na si Alex Muhlach.

Alonzo attends to his daily morning classes religiously at after school na siya tumatanggap ng tapings, shootings, at personal appearances.

Katatapos pa lamang mapanood si Alonzo sa horror-comedy movie na Wang Fang at kasama rin siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vice Ganda at Coco Martin, ang Beauty and the Bestie na pinamamahalaan ng box office director na si Wenn Deramas.

Malapit na ring mapanood si Alonzo sa bagong TV series ng TV5, ang Panday na pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez.

 

vuukle comment

ABBY TUPAZ

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALEX MUHLACH

ALONZO

ANG

BABY Z

BEA

BIG DOME

BRYAN WHITE

KANYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with