^

PSN Showbiz

Mga anak iiwan muna Donna hindi natiis ang showbiz!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagbabalik si Donna Cruz sa pagkanta pagkatapos ng mahigit isang dekada mula nang iwan ang show business.

Matatandaang iniwan ni Donna ang pagkanta at pag-arte noong magkaroon siya ng asawa at tatlong anak. “Na-miss ko kasi talaga naman first love ko naman ‘yung singing. Even my husband knows that. So sa ngayon na kinausap ko nga siya sabi ko, ‘Honey, I think okay na. Malalaki na rin naman ‘yung kids natin kung bibigyan ko naman ng panahon ‘yung sarili ko and ‘yung kaligayahan ko rin sa pagkanta.’ So I think wala namang problema sa kanya, okay lang sa kanya,” nakangiting kwento ni Donna. “Sobrang hindi talaga mawawala sa akin ‘yung love ko sa singing. So gusto ko talaga even before pa. Kaya lang ayo­kong pumasok sa paggawa ng album or whatever kung hindi pa handa ‘yung pakiramdam ko na iwan ‘yung mga anak ko, maliliit pa eh. Ngayon okay na silang iwan, kumbaga sobrang nakatatak na ako sa kanila, hanap-hanapin nila ako. Gano’n kasi sobrang attached sa akin ‘yung mga kids. So ngayon sila naman ang nagsabi na ‘It’s okay mommy.’ Suportahan daw nila ako, maiintindihan nila eh. Kasi babalik din naman ako after,” dagdag ng singer-actress.

Wala rin daw naging problema sa asawang si Yong Larrazabal ang pagbabalik ni Donna sa show business. “It’s a mutual decision naman eh. Kasi ako talaga ‘yung tipong mommy na talagang ‘pag nag-focus ako sa mga anak ko, nasa kanila talaga. Sabi ko nga, gusto kong ma-build ‘yung mommy and kids na samahan. Gusto ko talaga malapit ako sa mga anak ko,” paliwanag ni Donna.

Elmo ramdam na magsa-swak sila ni Janella

Certified Kapamilya na rin si Elmo Magalona dahil kapipirma pa lamang nito ng kontrata sa ABS-CBN noong Huwebes. Ang teleseryeng Born For You ang magiging unang proyekto ni Elmo kung saan makakatambal niya si Janella Salvador. “I’m excited to work with her because ang dami niyang projects na. She has so many projects now, but she has time to make one with me,” pahayag ni Elmo. Umaasa ang aktor na magkakasundo sila ni Janella lalo na pagdating sa musika. “Feeling ko magiging creative talaga kami. Kasi I heard Janella is into old songs, she’s an old soul. Ako naman medyo old soul din pero more on new school vibes. I feel like doon pa lang we can make something new and fresh,” pagbabahagi ni Elmo.

Samantala, nagulat daw ang kasintahan ng binata na si Janine Gutierrez nang malaman na lilipat na siya ng TV network. “Nagulat din po siya na this is going to happen but we are both happy and both blessed because we both have projects. I’m going to have a project soon and she has a project now. We’re just so happy. Buti na lang she supports me and I support her also,” pagtatapos ng aktor.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BORN FOR YOU

CERTIFIED KAPAMILYA

DONNA CRUZ

ELMO

ELMO MAGALONA

JANELLA

NAMAN

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with