^

PSN Showbiz

Glaiza na-inlove sa lalaking pumapatol sa bading!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang kakaibang kuwento ng magkapatid na sanggang-dikit noong kabataan pero sisirain ang magandang samahan ng isang kasalanan.

Kilalanin ang magkapatid na sina Dennis, isang bading, at ang kanyang ate na si Donna. Nang makilala ni Dennis ang bagong salta sa kanilang lugar na si Jonathan, nakapalagayan agad niya ito ng loob.

Sa unang beses pa lang na may nangyari sa kanila, itinuring na ni Dennis na boyfriend si Jonathan. Pero naging mapaglaro ang tadhana. Nakilala din ni Jonathan si Donna at mabilis nabuo ang pagti­tinginan ng dalawa. Nang magdesisyon si Donna na magsama na sila ni Jonathan, halos gumuho ang mundo ni Dennis nang malaman na ang boyfriend niya ay boyfriend din pala ng ate niya.

Pero dahil sa pagmamahal ni Dennis kay Jona­than, unti-unti ay kinuha niya ulit ang loob nito. Sa bawat pagpasok sa trabaho ni Donna, nakakapuslit na may mangyari kina Dennis at Jonathan.

Nagmatyag si Donna kung totoo nga ba ang tsismis tungkol sa kapatid at sa kanyang kinakasama. At huling-huli niya nga na gumagawa ng milagro ang dalawa.

Nang malaman na nauna pala kay Jonathan si Dennis, nagpaubaya si Donna. Pero nagkaayos muli sila ni Jonathan, at nangako si Dennis na hindi na mauulit ang nangyari, na pinaniwalaan naman ni Donna. Hanggang sa malaman niyang patuloy pa rin pala ang relasyon ng dalawa. Tuluyan nang lumayo si Donna at hindi na nagpakita kina Dennis at Jonathan.

Mapapatawad pa kaya ni Donna si Dennis at Jonathan o hahayaan na lang niya na tuluyang magsama ang dalawa? Ano nga ba ang magiging daan para muling maayos ang relasyon ng magkapatid?

Abangan sina Glaiza de Castro, Norman “Boobay” Balbuena at Dominic Roco sa isang kakaibang kuwento ng pagpaparaya para sa pag-ibig at pamilya kasama sina Mike Lloren, Mimi Juareza, Zymic Jaranilla at Sasha Baldoza.

Mula sa direksyon ni Argel Joseph, alamin ngayong Sabado kung paano mananaig ang kapatawaran at pagmamahal sa pamilya, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARGEL JOSEPH

DENNIS

DOMINIC ROCO

DONNA

JONATHAN

MIKE LLOREN

MIMI JUAREZA

NANG

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with