^

PSN Showbiz

Kaya ayaw mabakante, Ina ni Claudine may Lupus!­

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman siguro magagalit si Mrs. Inday Barretto sa anak na si Claudine Barretto na ipinaalam na may sakit siyang Lupus.

Nababanggit ni Claudine ang sakit ng ina nang sagutin ang tanong ng kanyang fans kung bakit sa TV5 at hindi sa ABS-CBN siya gagawa ng tele­serye.

Sabi ni Claudine, kailangan niyang magtrabaho dahil kailangan niyang alagaan ang parents niya na nag-alaga sa kanya at sa kanyang mga anak noong wala siyang trabaho.

Pati noong time na on hold ang accounts at pro­perties niya.

Part ng post ni Claudine ay “Now that I’m back and my Mom not knowing that we already know that she is sick & has Lupus I don’t ever want them to spend a cent  at ako naman po ang mag-aalaga sa kanila ng daddy ko. Pls pray for & lets be grateful that I’ve work & I be able to take care & serve my Mom & Dad coz my whole life, inalagaan nila ako.”

Dagdag pa ni Claudine kahit sa TV5 siya may tele­serye, may pini-prepare na soap ang ABS-CBN sa kanya next year (baka pagkatapos ng TV5). Tuloy din ang movie niya sa Viva at Star Cine­ma at hindi exclusive ang kontrata niya sa TV5.

Isko ayaw magdunung-dunungan

Ipagmamalaki ng showbiz si Manila Vice Mayor Isko Moreno dahil pumasok sa politika na handa at nag-aral, kaya hindi natitinag sa mga interview kahit English ang usapan at kahit anong topic.

Sorry, kung may nakalimutan kami, pero sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Q.C congressman Alfred Vargas, councilor Roderick Paulate at Batangas Gov. Vilma Santos lang ang naisip naming pinaghandaan ang maging politician.

Nakakabilib din ang sinabi ni Isko (ito na lang daw ang itawag sa kanya ng mga taga-showbiz) na ‘pag hindi nila alam ang isyung itinatanong sa kanya, sinasabi niya at hindi siya nagdudunung-dunungan. Sa ganu’ng paraan, hindi siya napapahamak.

Ikatutuwa naman ng mga taga-Manila ang bi­nanggit ni Isko na kahit sa pagka-senador siya tatakbo sa 2016 elections, hindi ibig sabihin na hindi na siya babalik sa Manila at sarado na ang kagustuhan niyang maging Mayor ng Manila.

Kabilang din si Isko sa may paniwalang matutulungan siya ng entertainment press, kaya siya ay lumapit at nagpapatulong. Ang sarap ng dating sa entertainment press ang sinabi ni Isko na, “to be honest, kailangan ko ang tulong n’yo” at “kung tutu­lungan n’yo ako, feeling ko, magtatagumpay ako.”

Samantala, tinanong namin si Isko kung sinong artista ang gugustuhin niyang tumulong mag-endorso sa kanya at bakit?

 “Kung may artistang hihingan ko ng tulong na i-endorse ako, si Robin Padilla ‘yun dahil idol ko siya sa trabaho. He’s not just an ordinary actor at kung may mga isyu na alam niya, sasabihin niya. He’s also a good person, always humble.”

AlDub bongga ang billing, ka-level agad nina Vic at AiAi

Sa November 30, ang last shooting day ng My Bebe Love nina Vic Sotto at AiAi delas Alas at kasama sa cast sina Alden Richards at Maine Mendoza. Introducing si Maine sa MMFF entry, pero ang ganda ng billing niya. Alaga rin ni Direk Joey Reyes ang mga eksena ng AlDub at sa rami ng eksena nila, lumalabas na bida rin sila at hindi supporting.

Sa napanood naming video tuwing may shooting sina Alden at Maine, parang laging may mala­king okasyon sa rami ng fans. Kailangan pang tumakbo ng dalawa ‘pag nagpapalit ng location dahil hinahabol ng fans.

Siya nga pala, nadagdagan na naman ang endorsement ng AlDub nang umere ang TVC ng Tide detergent kahapon. Ngayong Sabado naman ang airing ng TVC ng Datu Puti nilang endorsement.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CLAUDINE

HINDI

ISKO

LEFT

NIYA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with