^

PSN Showbiz

Marlo nasagasaan sa pagpasok ni Elmo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong isa nang Kapamilya si Elmo Magalona, dito ngayon masusubukan kung gaano katibay ang relasyon nila ni Janine Gutierrez na naiwan sa Kapuso network lalupa’t kay Janella Salvador na siya ipapareha.

Ngayong ipapareha na si Janella kay Elmo, na­nga­­ngahulugan kaya na goodbye na ang tamba­lang Janella Salvador at Marlo Mortel na unang nagkasama sa Be Careful with My Heart at na­sundan ng OMG!?

Sina Janella at Marlo rin ang mga panguna­hing bituin sa MMFF movie na Haunted Mansion ng Regal Films na dinirek ni Jun Lana.

Bea at John Lloyd hindi talaga matibag

Nasabik ang mga tagahanga ng tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil dinagsa ng mga manonood ang kanilang balik-tambalan sa pe­likulang A Second Chance na dinirek ni Cathy Garcia-Molina na siya ring nag-direk ng kanilang 2007 hit movie na One More Chance.

Ang tambalan nina John Lloyd at Bea ay maihahalintulad sa successful pairing noon nina Vilma Santos at Christopher de Leon na kahit walang naging romantic relationship sa tunay na buhay ay sinu­portahan ng mga manonood.  If our numbers are correct, mahigit 20 pelikula ang pinagtambalan noon nina Vi at Boyet.

Naniniwala pareho sina John Lloyd at Bea na hindi kailangang magkarelasyon para maging ma­tagumpay ang isang tambalan tulad sa kanilang dalawa.

Itong pattern din kaya ang sinusundan nina James Reid at Nadine Lustre na magkaibigan lamang ang turingan hanggang ngayon?

Mga Pinoy tuloy ang pag-ariba sa mga Int’l scenes

Hindi talaga maitatatwa ang husay ng mga Pinoy sa larangan ng iba’t ibang talent na kaya nilang ipamalas maging sa ibang bansa.

Tinututukan ng mga Pinoy all over the world ang 4th Impact na binubuo ng Cercado Sisters sa tumatakbong X-Factor (UK) kung saan ay pasok na sila sa Top 5 sa British-dominated reality singing competition.

Muling nakuha ng isang Filipino-Australian ang grand prize sa katatapos pa lamang na X-Factor (Australia) na si Cyrus Villanueva.  Pinay din ang naging grand winner last year (2014) sa nasabing patimpalak sa katauhan ni Marliza Punzalan.

Of course, hindi rin makakalimutan ang paglu­tang ng caregiver na si Rose Fontanes bilang grand winner ng X-Factor (Israel).

Fresh din sa isipan ng mga Pinoy ang pagkakapanalo ng grupong El Gamma Penumbra sa kauna-unahang Asia’s Got Talent na ginanap sa Singapore kung saan din lumutang ang husay ng iba pang Filipino performers tulad nina Gerphil Flores, Gwyneth Dorado at maging ang dance group na Junior New System.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BEA

JANELLA SALVADOR

JOHN LLOYD

LEFT

MGA

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with