^

PSN Showbiz

Barangay Utakan aarangkada na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gaano ninyo pinahahalagahan ang balita? Handa ka na bang makipagtagisan ng galing at talino sa pinakaunang news quiz show para sa mga barangay?

Sumali at lumahok sa Barangay Utakan, isang nata­ta­nging programa tungkol sa ating mga nalalaman  sa mga balita na mapapanood mula ngayong Linggo, November 29, 2015 sa TV5. 

Ang Barangay Utakan ay isang kwelang prog­rama ng Kapatid network na naglalayong hikayatin ang ating mga kababayan mula sa iba’t ibang barangay na makisaya at ipakita ang kanilang angking talino at diskarte sa larangan ng pulitika, geograpiya, syensya, matematika at ma­rami pang iba. Ang koponan mula sa barangay na higit na ma-utak o madiskarte ang mag-uuwi ng mga premyo o serbisyo na mapapakinabangan ng buong barangay.

Sama-samang maghahatid ng saya at katuturan sa inyong mga tahanan ang quiz masters ng show – tatlo sa pinakasikat na mga nangu­ngunang personalidad sa telebisyon, radyo at online ngayon na sina Ramon Bautista, Bayaw Jun Sabayton at Lourd de Veyra. Muli nating buhayin ang simulain ng bayanihan sa ating komunidad.

Huwag palalampasin ang unang brodkast ng Barangay Utakan nga­yong Linggo, Nobyembre 29.

Para makakuha ng updates, bisitahin ang kanilang facebook account, https://www.facebook.com/Barangay Utakan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG BARANGAY UTAKAN

BARANGAY

BARANGAY UTAKAN

BAYAW JUN SABAYTON

GAANO

HANDA

LINGGO

MGA

RAMON BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with