^

PSN Showbiz

Bagong inspirasyon ni Andi simpleng tao lang daw!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang non-showbiz guy na raw ang bagong nakikipag-date ngayon kay Andi Eigenmann. Matatandaang naugnay noon sa aktres sina Albie Casiño, Jake Ejercito, at Bret Jackson.

“Meron, but I guess what I was saying was based from my experiences in the past. I was young, medyo masyadong nagiging controversial for some reason ‘yung dalawang relationships sa love life ko. ‘Yun nga, sabi sa akin kapag may love life walang trabaho. Kapag gusto magtrabaho, walang love life. Okay lang sa akin, walang love life,” paliwanag ni Andi.

Umaasa raw ang aktres na matatanggap ng publiko ang kanyang bagong inspirasyon. Naka-move on na raw si Andi mula sa kanyang nakarelasyon noon. “Medyo, parang gano’n. Opo, masaya na po ako. Matagal na akong naka-move-on sa kanila. Happy na ako ngayon. We (Jake) never really got back together but we’re still friends until now,” pagtatapat ni Andi.

Hindi pa mailarawan ng aktres kung paano ang pakikipagrelasyon sa isang hindi naman artista dahil bago pa lamang sila magkakilala ng lalaki. “Hindi ko pa alam kung paano ‘yung non-showbiz kasi bago pa lang, hindi pa kami actually. Masaya ako pero I’m taking it slow this time in terms of… ‘Yung dati kasi ‘yun nga parang walang nagrerespeto ng personal kong buhay. Siyempre kahit na artista ako, I made a commitment to share my life to the industry but then again, this time he’s not in showbiz. So I hope that they would respect that side of my life from now on because nakakahiya naman sa kanya,” natatawang pahayag ng aktres.

“Let’s respect that he’s a private person. Simple lang siyang tao, down to earth, sobrang we connect. Magkasundo kami in the shallow sense but we can connect also on a very deep level. Which is something that I thought I would never find again,” dagdag pa niya.

Wala rin daw problema sa lalaki ang pagkakaroon ng anak ni Andi.    

Erik iniiba ang tunog para maka-level sa mga kabataan

Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ngayon ang pelikulang A Second Chance na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Masaya at malaki ang pasasalamat ni Erik Santos dahil gamit pa rin sa nasabing proyekto ang kanta niyang I’ll Never Go na siya ring ginamit noong 2007 sa One More Chance. “Siyempre po sobra akong grateful sa Star Cinema dahil ‘yung kanta ko po, after eight years, ‘yun po ulit ang ginamit. Parang naging iconic na ang kanta because of the movie. I’m just so grateful. Sobra akong nagpapasalamat,” bungad ni Erik.

Usap-usapan ngayon ang bagong pelikula dahil maganda talaga ang kinalabasan nito. “Kailangang mapanood nila. Napakaganda, lalo na sa mga nakaranas na ng pagkabigo. Maraming hugot,” giit ni Erik.

Samantala, abala na rin ang singer para sa promo ng kanyang bagong album na may titulong Champion Reborn. “Ibang music naman ang maririnig nila sa album na ito. Medyo kailangan na nating sumabay sa panahon ngayon. Medyo pangkabataan pero magugustuhan pa rin nila ito. Kasi marami pa ring hugot songs dito na minahal ng mga Pilipino,” pagbabahagi ni Erik.

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

ALBIE CASI

ALIGN

ANDI

ANG

ERIK

LEFT

MEDYO

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with