^

PSN Showbiz

Bagong album ni Sarah, kakaiba ang title

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tapos na ang bagong album ni Sarah Geronimo sa Viva Records at As Soon As Possible o ASAP ang release nito. Hahabulin na ma-release ang album bago ang December 4 & 5 From The Top concert ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum.

Nabanggit ni Sarah sa presscon ng kanyang two-night concert na kasama sa repertoire niya sa concert ang ilang tracks sa new album niya. Maganda nga naman kung lumabas ang album before the concert para alam na ng fans ni Sarah at manonood ng kanyang concert ang songs sa bagong album.

Pinamagatang The Great Un­known ang album na title ng isa sa mga kanta. Hindi namin na­itanong kung sino ang composer ng song na curious kaming mapakinggan para malaman kung bakit ang song ang napi­ling title.

Hinihintay pa ang announcement ng Viva Live, Inc., producer ng From The Top kung sino ang guests ni Sarah sa kanyang concert. Paolo Valenciano directs the concert with Louie Ocampo as musical director.

Mikael at Megan, hindi nagtatago

Parang hindi na kailangang verbally aminin nina Mikael Daez at Megan Young ang kanilang relasyon dahil open na silang ipakita kung mag-ano sila. Pumayag silang magtambal sa isang episode ng Dang­wa at kung saan, nakita ang lakas ng kanilang chemistry at komportable silang umarte na magkasama.

Noong isang araw, pinost nina Mikael at Megan ang picture nilang magkasama silang nagbakasyon sa Balesin. Magkasama na sila sa picture, unlike before na hindi sila nagpo-post ng picture na dalawa lang sila at kung magkasama man, malayo ang shots at kakailanganin ang magnifying glass para makilala si Mikael at Megan.

Pagkatapos ng MariMar nina Megan at Tom Rodriguez at katatapos lang ng My Faithful Husband  nina Mikael, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, puwede na sigurong pagtambalin sina Mikael at Megan sa isang light comedy/sexy rom-com.

Benjamin inang-ina ang turing kay Dina

Gumaganap na mag-ina sa Beautiful Strangers sina Dina Bonnevie at Benjamin Alves at sabi ng aktor, para talaga niyang ina si Dina, lalo’t nasa Guam ang mom niya. Caring ito ‘pag nasa taping sila at mahilig magluto ng food para sa cast. Si Lovi Poe naman ang gumaganap na wife ni Benjamin at daughter-in-law ni Dina.

Sam never na-consider na Angela Markado

Hindi naman pala totoong si Sam Pinto ang original choice na magbida sa remake ng Angela Markado at hindi si Andi Eigenmann. Sabi ni director Carlo J. Caparas, si Andi lang ang first choice niya na sinundan ni Donna Villa sa pagsasabing hindi na-consider si Sam for the said movie, baka sa next project nila.

Showing sa December 2 ang Angela Markado at sabi ni Direk Carlo, malalaman ng manonood nito kung bakit si Andi ang napili niya and the only choice to play Angela Markado.

vuukle comment

ACIRC

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

DINA

FROM THE TOP

KUNG

MEGAN

MIKAEL

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with