^

PSN Showbiz

Andi matagal nang naka-move on kina Jake at Bret, may bago nang dyowa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Successful ang For the Love of Mama concert na prinodyus ni AiAi delas Alas sa SM MOA Arena kamakalawa ng gabi.

Halos 80 percent ang audien­ce na nanood at halos lahat ay nagbigay ng kanilang share para sa ipapatayong simbahan, ang Kristong Hari Church sa may Commonwealth, Quezon City.

Kuwento ni AiAi, may binigay naman daw siyang hono­rarium sa mga guests artist, pero isinoli raw nina Eric Santos at Alden Richards dahil tulong daw nila iyun sa ipinapatayong simbahan.

Pati nga ibang guests kagaya ni Ruru Madrid na isang Iglesia ni Cristo member at si Kylie Padilla na isang Muslim ay naging bahagi sa naturang show para sa Kristong Hari church.

Hindi napigilan ni AiAi na maiyak habang nagpapasalamat sa Diyos at kay Mama Mary na la­ging nakagabay sa kanya.

PAK: Proud si Marlo Mortel na kinuwento sa aming kasabay pa raw niya si Alden Richards na sumali noon sa Starstruck at pareho silang hindi nakapasok sa mga finalist.

Pero ngayon ay mas tinalbugan pa nila ang ilang winners ng Starstruck na hindi pa narating ang naabot nila sa kanilang showbiz career.

Kinuwento ni Marlo na pareho nga raw sila ni Alden na natsugi sa nakaraang season ng naturang talent/reality search, at hindi sila uma­bot sa 14 finalists.

“At least napatunayan namin na hindi naman lahat ng winners sila lang ‘yung nag-succeed sa career nila, ‘di ba?” pakli ng young actor na proud na proud sa na-achieve niya sa kanyang showbiz career.

Ngayon nga ay bida na siya sa MMFF entry ng Regal Films na The Haunted Mansion. Kasama ni Marlo rito sina Janella Salvador at Jerome Ponce.

BOOM: Medyo nahihiya pa si Andi Eigenmann na aminin na meron nang ibang lalaking nagpapasaya sa kanyang buhay.

May naglabasan na ng mga litrato ni Andi kasama itong may long-hair na non-showbiz guy na mukhang may namamagitan na sa kanila. Sa mga litratong naglabasan, mukhang sila na nga, pero hindi na dinetalye ni Andi ang tungkol sa kanila.

“Medyo parang ganun. Masaya na po ako,” sabi lang nito.

Kahit nandiyan pa rin ang isyu sa kanila ni Jake Ejercito at Bret Jackson, tapos na raw sila at friends naman daw sila.

“Matagal na po akong naka-move on sa kanila,” sabi pa nito sa presscon ng pelikula niyang Angela Markado.

Kasama pa nga ni Andi si Bret sa naturang pelikula na magsu-showing na sa December 2.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

BRET JACKSON

ERIC SANTOS

FOR THE LOVE OF MAMA

HAUNTED MANSION

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with