^

PSN Showbiz

Hindi kagandahan at may attitude pa na aktres, ilusyon lang ang relasyon sa tisoy na aktor!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang umpukan ang sinasa­bing pinakabagong showbiz couple na parang ayaw namang paniwalaang totoo ng mas nakararami. Napakaguwapo raw kasi ng lalaki para sa babae.

Pero aminado ang mga nasa umpukan na may magandang panlasa ang female personality, mahusay siyang mamili, minsan na siyang naugnay sa isang banyagang personalidad.

Ngayon ay pinagpipistahan naman ang kanilang relasyon ng isang guwapong tisoy na aktor na produkto ng isang talent search. Sila na raw ngayon, pero pi­nag­dududahan naman ang pa­giging malapit nila sa isa’t isa, ano raw kaya ang pi­nakain ng babae sa lalaki para mahulog ang loob nito sa kanya?

May kuwento ang a­ming source, “Sa isang party, e, dumating silang magkasama. Natural, feeling na feeling ang girl, kasi nga, nakuha nila ang attention ng mga bisita nu’ng dumating sila.

“May mga nagtataas ng kilay, meron namang nakisakay na lang sa kuwento, hindi na nila kinontra ang ipinamamalita ng girl na sila na ni tisoy.

“Pero ang nakakatawa, kapag nagkukuwento ang girl tungkol sa relasyon nila, e, parang nagme-make faces naman ang guy! Parang ang self-balloon niya, e, huwag paniwalaan ng mga nandu’n na sila na nga!

“Ano ‘yun, nag-iilusyon lang ang girl, ang buong aka­la niya, e, sila na nga ng guwapong aktor, pero hindi naman pala!” napapailing na kuwento ng a­ming impormante.

Hindi lang ang kanilang hitsura ang pala­ging pinagkukumpara ng marami. May mga nagkokomento rin na napakabait ng aktor para sa may kaanga­sang female personality.

“May pagka-feeling kasi ang girl, maraming naiinis sa kanya, may kamalditahan kasi ang lokah! Tanong tuloy ng mga nakakasama niya sa work, e, bakit daw ganu’n? Kung sino pa ang hindi naman kagandahan, e, ‘yun pa ang maldita?” diretsong tanong ng aming source.

Ubos!

Boss Vic ‘gagamutin’ na ang TV5

Maganda ang mga kuwentong naririnig namin tungkol sa pagpasok ng 2016 para sa TV5. Magbabago ang mukha ng istasyon sa susunod na taon dahil sa pagpasok ng Viva Entertainment na makaka-partner ng network sa pagbibigay ng mga bagong shows sa linya ng entertainment, news at sports.

Kung nitong mga huling buwan ay tumutok ang TV5 sa mundo ng palakasan, sa pagpasok ng 2016 ay magbibigay-sigla sa bakuran ni Mr. Manny V. Pangilinan ang pag-entra ng Viva Entertainment, narinig namin ang planong pagbabalik ng makasaysayang Panday at Tasya Fantasia na parehong nobela ng magaling na manunulat-direktor na si Carlo J. Caparas.

Nakalinya rin ang Born To Be A Star na isang talent search, mga artista ng Viva ang dadalhin ng produksiyon sa TV5, isang magandang balita ‘yun para sa homegrown talents ng network na siguradong magiging aktibo rin ang career sa susunod na taon.

‘Yun naman talaga ang kulang sa TV5, kulang na kulang ang network sa mga artista, ‘yun ang aspetong gagamutin ni Boss Vic del Rosario sa pakikipag-partner ng kanyang malawak na produksiyon sa kumpanya ni MVP.

Maraming nanghihinayang kay Mark Neumann, may napatunayan na ang young actor sa Baker King, pero magiging abala ang batang aktor sa 2016 dahil bukod sa mga TV shows na gagawin niya ay limang pelikula pa sa Viva Films ang nakatakdang pagbidahan ni Mark Neumann.

Maraming artista ang Viva Entertainment ang nasa ABS-CBN at GMA 7. Sinu-sino naman kayang contract stars nila ang regular na mapapanood sa TV5?

Ayon sa aming kausap, “’Yung sa dalawang network, mga artista lang ng Viva ang transaksiyon nila. Iba itong sa TV5, mismong Viva ang makaka-partner ng network.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKER KING

BORN TO BE A STAR

BOSS VIC

CARLO J

ISANG

MARK NEUMANN

MGA

SHY

VIVA ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with