^

PSN Showbiz

Mons Romulo at Shalani hindi inasahan ang pagiging maghipag!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Wala nang makapipigil pa kay Mons Romulo sa congressional bid niya sa nag-iisang distrito ng Pasig City.

Tuloy na tuloy ang pagkandidato ni Mama Mons dahil tatakbo na senador ang kanyang kapatid na si Congressman Roman Romulo, ang better half ni Shalani Soledad.

Kung nagdesisyon si Papa Roman na ku­mandidato na mayor ng Pasig City, hindi sasabak sa pulitika si Mama Mons dahil iniiwasan nila na dalawang Romulo ang maglilingkod sa kanilang bayan bilang may mga delikadesa sila.

Walang puwedeng kumuwestyon sa ka­kayahan ni Mons sa pulitika at public ser­vice dahil siya ang low profile na assistant ni Papa Roman at six years siya na nagtrabaho sa opisina ni President Cory Aquino noong nanunungkulan pa ito.

Dalaga pa si Mama Mons nang ma-link siya kay P-Noy na dalawang beses na bumisita sa bahay nila pero hindi naman humantong sa relas­yon.

Maliit talaga ang mundo dahil walang nag-akala na darating ang araw na magiging hipag ni Mama Mons si Shalani na ex-girlfriend ni P-Noy.

Maraming mga cha­rity work si Mama Mons dahil kaligayahan na niya ang tumulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan. Walang puwedeng isumbat kay Mama Mons at sa kanyang pamilya dahil hindi sila nasangkot sa mga isyu ng corruption. Ang magka­patid na Mons at Roman ang mga halimbawa ng mga public servant na sincere sa pagtulong at hindi nasasangkot sa anumang anomalya.

Presscon ng Angela Markado, super blockbuster

Parang isang blockbuster movie ang presscon kahapon ng Angela Markado sa Music Hall dahil imbitado yata ang lahat ng mga reporter.

Naging masikip ang Music Hall dahil sa rami ng mga tao na nag-welcome sa pagbabalik ng mag-asawang Donna Villa at Carlo Caparas bilang movie producer at director, respectively.

Kumpleto sa biggest presscon ng isang movie remake ang cast ng pelikula, sina Andi Eigenmann, Epi Quizon, Paolo Contis, Polo Ravales, Bret Jackson, Felix Roco at Caparas siblings na sina CJ at Peach.

Binata at dalaga na sina CJ at Peach na nasubaybayan ng mga reporter ang paglaki dahil kasama sila palagi sa set ng mga pelikula na ginagawa ng kanilang ama. Ngayon, mga artista na rin sila at mukhang susundan ni Peach ang yapak ng kanyang ama dahil interesado siya na maging direktor.

Andi matindi ang pinagdaanan sa gang rape

Showing sa mga sinehan sa December 2 ang Angela Markado na isa sa mga pinakamahirap na pelikula na ginawa ni Andi.

One and only choice ni Papa Carlo si Andi para sa role na pinasikat ni Hilda Koronel noong 1980 at sa pelikula na mula sa direksyon ng multi-awarded director na si Lino Brocka.

May karapatan si Papa Carlo na muling isapelikula ang Angela Markado dahil siya ang sumulat ng kuwento nito.

Ibinagay ni Papa Carlo ang kuwento ng Angela Markado sa takbo ng panahon ngayon.

Matinding dusa ang inabot ni Andi sa shooting ng Angela Markado dahil brutal ang mga rape scene.

Tiniyak ni Papa Carlo na makukuha ni Andi ang simpatiya ng publiko dahil sa pagpapahirap na ginawa sa kanya ng mga rapist niya.

Ang Angela Markado ang hudyat ng pagbabalik-showbiz ni Papa Carlo dahil magkakaroon pa siya ng mga movie at television project. Ayaw munang sabihin ni Papa Carlo ang mga exciting na mangyayari sa kanyang career dahil gusto niya na mag-concentrate muna sa promo at publicity ng Angela Markado.

vuukle comment

ACIRC

ANDI

ANG

ANGELA

ANGELA MARKADO

DAHIL

MAMA MONS

MARKADO

MGA

MONS

PAPA CARLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with