^

PSN Showbiz

Nora nagkakasakit ‘pag inaabot ng madaling araw sa taping!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maingat pala ang production staff ng Little Nanay kay Nora Aunor dahil nagkakasakit ito kapag inuumaga nang pack-up sa taping.

Kapag magkakasunod ang taping niya hanggang madaling araw, nagkakasakit daw ito. Hindi naman daw nagrereklamo si Ate Guy at napaka-coo­perative nito sa taping pati sa promo, pero iniiwasan lang nilang mapuyat dahil nagkakasakit ito agad.

Ang ikinatuwa lang daw nila kay Ate Guy, madalas na nanlilibre ito ng pagkain sa set para sa production staff at crew, at pati raw sa mga taong nanonood sa taping.

Mamayang gabi na magsisi­mula ang Little Nanay na pagbibidahan ni Kris Bernal pagkatapos ng Marimar.

PAK: Masaya ang pamilya Monteverde sa pag-iisang dibdib ng first apo ni Mother Lily na si Keith Monteverde at ng Taiwanese girlfriend niyang si Winni Wang.

Ginanap ang kasal sa Shangri-La Boracay kamakalawa ng hapon at dumating ang ilan pang mga taga-showbiz na ninong at ninang at mga close friends sa showbiz ng Monteverde family

Ang lolo ni Keith na si Father Remy at ang lola niyang si Mother Lily ang una niyang pinasalamatan dahil sa pagmamahal na ibinigay sa kanya mula nung bata pa raw siya.

Pero iisa lang ang hi­ling ni Mother Lily, bigyan na raw siya agad ng apo sa tuhod.

Nang binanggit ni Keith na bibigyan daw niya ng apo si Roselle three years from now, kaagad tumayo si Mo­ther Lily at nagsalitang “I object.”

BOOM: Nakatsika­han din namin ang Batangas Governor Vilma Santos na isa rin sa mga ninang sa naturang kasalan, tuwang-tuwa niyang tsika sa amin na proud na proud daw siya sa kanyang anak na si Ryan Christian dahil pinuri ito nang magbigay siya ng speech para sa kanyang amang si Sen. Ralph Recto sa announcement ng mga senatoriables nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.

Sabi ni Gov. Vi, kinakabahan daw siya nung pinapanood si Ryan Christan sa TV, pero alam niyang kakayanin ito ng anak niya dahil pulitika talaga ang hilig nito.

“Bihira n’yo lang makita si Ryan pero hindi bago ‘yun sa kanya.

“Saka sabi nila parang memorized, of course siyempre kailangan naman niyang tingnan at may i-memorize, pero hindi bago ‘yun kasi lagi namin pinag-uusapan ang sitwasyon ng bansa, lahat ng sinabi niya trabaho ng Daddy niya.

“But anyway, kung may magiging pulitiko, I think it’s Ryan,” pahayag ng Star for All Seasons.

Inamin naman daw ng bunsong anak niyang gusto nitong maging pulitiko, pero nabanggit din daw niyang gusto rin nitong maging host kagaya ng kuya niyang si Luis Manzano.

vuukle comment

ACIRC

ALL SEASONS

ANG

ATE GUY

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

CHIZ ESCUDERO

DAW

FATHER REMY

LITTLE NANAY

MOTHER LILY

NIYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with